WALANG problema sa Kapamilya young actress na si Kaori Oinuma kung hindi man siya bigyan ng ABS-CBN ng permanenteng ka-loveteam.
In fairness, isa si Kaori sa mga masusuwerteng produkto ng “Pinoy Big Brother Otso” na talaga namang sunud-sunod ang proyekto sa Kapamilya Network kahit pa noong kasagsagan ng pandemya.
Kaya naman kering-keri lang sa dalaga kung anuman ang maging desisyon ng management para sa kanyang career. Kung hindi kami nagkakamali, naitambal na siya sa iba’t ibang aktor tulad nina Rhys Miguel at Jeremiah Lisbo.
Sa naganap na mediacon ng bago niyang project na “Tara, G!” noong September 23, nabanggit ni Kaori na okay lang sa kanya ang maipareha sa iba’t ibang male stars.
“Ine-enjoy ko siya. Kasi ngayon, the more na marami akong nakakapares, mas marami akong experiences,” ani Kaori.
Pero kung sakali mang bigyan siya ng permanenteng ka-loveteam, “At the right time siguro, if ever man kung para sa akin yung mag-stick ako sa isang love team, ie-embrace ko rin yun.
“Pero ngayon, ine-embrace ko yung moment na binibigyan ako ng chance na makatrabaho yung ibang actor,” sabi pa ng dalaga.
Sa iWantTFC youth-oriented series na “Tara G!” ang makakatambal naman ni Kaori ay si JC Alcantara. Makakasama rin nila dito sina Anthony Jennings, Vivoree Esclito, Daniela Stranner, Zach Castañeda, at CJ Salonga.
Sey ni Kaori, swak na swak din sila ni JC dahil magaling naman itong aktor at sanay na sa pagpapakilig, “Sa kilig naman, aminado naman si JC na magaling siya magpakilig. Proud siya diyan sa sarili niya.
“Pero bukod sa kilig, marami namang good side kay JC, like mabait siyang tao…genuine siya. Siya rin yung nasasandalan ko during taping ng Tara G!
“Marami rin akong learnings kay JC, marami siyang itinuro sa akin para mas mag-improve ako.
“Nandiyan siya palagi para i-push ako na dapat mag-improve ako ganyan. Dapat sa mga gagawin ko, okay yung kakalabasan,” sabi ng young actress.
Reaksyon naman ni JC, “Gusto ko talagang maka-work noon pa si Kaori. Akala ko makaka-work ko na siya last audition namin and then unexpected ‘tong trabaho na ito.
“Sobrang saya, sobrang saya makatrabaho ni Kaori, and sobrang nagbibigay din siya ng energy sa akin. Kumbaga, give and take kami sa acting namin.
“Kumbaga, love na niya yung ginagawa niya at gusto niyang matuto sa trabaho niya, and ako gusto ko ring matuto galing sa kanya.
“Nagtutulungan kami. Ayoko na nangingibabaw. Gusto ko pantay kaming umarte. Gusto ko kasi sabay kaming umangat. Kaya thank you, Kaori, sa tiwalang binigay mo,” sey ng binata.
Mapapanood na ang “Tara G!” simula sa October 7 sa IWant TFC app (iOs and Android) at IWant TFC website (iwanttfc.com), sa direksiyon ni Cathy Camarillo.
https://bandera.inquirer.net/306371/bossing-ibinuking-kung-bakit-hindi-pa-uli-nabubuntis-si-pauleen-dasal-ni-tali-magka-baby-sister-o-brother
https://bandera.inquirer.net/300684/direk-cathy-garcia-tinawag-na-bully-si-jeremiah-lisbo-kaori-oinuma-umaming-napikon
https://bandera.inquirer.net/303742/donny-inisa-isa-ang-mga-nagustuhan-sa-ka-loveteam-belle-and-i-are-in-a-happy-place-right-now
https://bandera.inquirer.net/316942/ken-chan-nagsalita-na-sa-pagbubuntis-ni-rita-daniela-im-so-proud-of-you