MUKHANG malakas ang laban ng bet ng Pilipinas na si Gabrielle Basiano sa gaganaping
Miss Intercontinental 2022 beauty pageant.
Ngayon pa lang ay marami na ang nagsasabi at nanghuhula na posibleng magkaroon ng back-to-back win ang Pilipinas dahil kinarir talaga ni Gabrielle ang training para sa nasabing international pageant.
Ang Pinay beauty queen na si Cinderella Obiñeta ang reigning Miss Intercontinental title na siyang magpapasa ng korona sa tatanghaling 2022 Miss Intercontinental sa darating na October 14, 2022.
Kamakailan ay nagtungo na nga ang dalagang mula sa Eastern Samar, sa Sharm El Shiek sa Egypt kung saan magaganap ang grand coronation ng 2022 Miss Intercontinental.
Sa social media post ng pageant camp na RL Angels ibinandera ni Gabrielle ang kanyang bonggang OOTD kung saan makikita ang kanyang “Pag-Ani” look.
Ang nakasulat sa caption ng kanyang litrato ay, “PAG-AN!”
“Bearing the fruit of labor of all Filipinos working hard in the country and across the world, reaping the success with pride as I represent the Philippines in the 50th Miss Intercontinental in Sharm El Sheik, Egypt.”
Sa kanya namang Instagram post, nangako ang dalaga na gagawin niya ang lahat para sa back-to-back win ng bansa sa Miss Intercontinental pageant.
“Muli nating ibabandera ang watawat ng Pilipinas sa Miss Intercontinental.
“Ang laban na ito ay hindi lang para sa akin, kundi para sa lahat ng samabayanang Pilipino. Mabuhay ang Pilipinas,” mensahe ni Gabrielle sa sambayanang Filipino.
Bago umalis patungong Egypt, talagang bumabandera na si Gabrielle sa mga top favorites ng mga pageant enthusiasts na mababasa sa mga pageant websites at vlogs.
“Yes I see hot picks na po. And I am very thankful na talagang nakikita nila ‘yung efforts ko for that pageant, eto na pressured but good pressure po kaya gagalingan ko po,” chika ng dalaga.
Aniya pa sa paglaban niya sa naturang international pageant, bitbit ang bandera ng Pilipinas, “I’m very happy. Kasi I’ve been praying for this moment na ilang years talaga ang inano ko just to represent the Philippines.
“And right now, given this opportunity, I will not waste it, I will give my very, very best to get that back-to-back crown for the Philippines,” sey ni Gabrielle.
Kung magwawagi, si Gabrielle ang magiging ikatlong Pinay na kokoronahang Miss Intercontinental na unang nakuha ni Karen Gallman noong 2018.
https://bandera.inquirer.net/320525/gabby-basiano-sa-isyu-ng-bb-pilipinas-mix-up-si-nicole-borromeo-po-talaga-ang-miss-international-at-ako-ang-miss-intercontinental
https://bandera.inquirer.net/296655/cindy-obenita-naiuwi-ang-2nd-miss-intercontinental-crown-ng-pilipinas
https://bandera.inquirer.net/311121/herlene-budol-buboy-villar-naka-jackpot-na-naman-bakit-pinahaba-ang-exposure-sa-false-positive-nina-glaiza-at-xian
https://bandera.inquirer.net/283083/andi-proud-na-proud-kay-ellie-piano-video-ng-anak-winner-sa-socmed