Belle Mariano inialay sa fans ang award mula sa Korea: Grabe! Kung pwede kong ibigay ito sa inyo…you guys deserve it!

Belle Mariano at Donny Pangilinan

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang Kapamilya young actress na si Belle Mariano sa napakabonggang blessing na ibinigay sa kanya ng Diyos.

Pero in fairness, deserving naman talaga siyang manalo ng international award sa katatapos lamang na Seoul International Drama Awards na ginanap sa South Korea.

Nagkuwento si Belle ng ilang naging kaganapan sa nasabing event sa guesting niya sa Star Magic News, lalo na yung moment na tinanggap na niya ang kauna-unahan niyang international award.

“Honestly I’m lost for words. I can’t describe the feeling once I was there on the stage. Nu’ng una kinakabahan ako.

“Siyempre first time ko mag-accept ng award on stage and it is being held in Korea pa. ‘Yung moment when I was there on stage, I just really cherished the moment,” lahad ni Belle.


Pagpapatuloy pa niya, “It was really humbling and I was so grateful. Of course I would like to thank everyone who supported me and who believed in me from the very beginning. This is all for you guys.”

Inamin din ng ka-loveteam ni Donny Pangilinan na talagang pangarap na niya noon pa na manalo ng mga awards, lalo na nang sumabak na siya sa mundo ng showbiz.

“Ever since I really wanted to win awards. This is just the first of many, I am claiming it. Super fulfilling siya, super talaga. Para akong little girl na na-achieve niya ‘yung dream niya,” sey ng dalaga.

Sa tanong kung ano na ang mga susunod niyang plano matapos manalo ng international award sa Korea, “My next goal, we are in the middle of shooting a movie right now and obviously we would want that to go international.

“So, siyempre award for that movie as well and sana mas maraming ma-recognize ng talent ng Filipinos,” aniya.

Ito naman ang mensahe niya sa lahat ng kanyang supporters, kabilang na ang fans nila ni Donny, “I wouldn’t be here without them so maraming, maraming salamat.

“This accomplishment is also yours guys and grabe kung pwede ko ibigay sa inyo ‘yung award, you guys deserve it and I’m going to do my very best para makakuha pa tayo ng maraming awards,” sabi pa ni Belle.

Tinatapos na nina Belle at Donny ang kanilang bagong movie na may title na “An Inconvenient Love”. Ito ang unang pelikula ng Star Cinema na ipalalabas sa mga sinehan mula nang magkaroon ng pandemya.

Belle Mariano mas naging palaban dahil sa ‘He’s Into Her’: Ang matapang umiiyak pero hindi nagpapasindak

Belle Mariano sinupalpal ang netizen na nagsabing hindi siya maganda

Belle Mariano wagi sa 17th Seoul International Drama Awards, Donny super proud

Donny, Belle totoong-totoo ang ‘relasyon’, magkasabay na nagma-mature bilang magka-loveteam

Read more...