Khimo Gumatay hindi sana sasali sa ‘Idol PH’; Top 4 finalists biglang nagbago ang buhay

‘Idol Philippines’ Season 2 Top 5

BINAGO ng “Idol Philippines Season 2” ang buhay ng Top 5 finalists na sigurado nang mabibigyan ng chance para matupad ang kani-kanilang mga pangarap.

Isang linggo matapos ang naganap na grand finals ng naturang reality singing competition ng ABS-CBN, humarap sa entertainment media ang grand champion na si Khimo Gumatay at ang apat na nakalaban niya sa final showdown.

Sa nasabing virtual mediacon na ginanap last Sunday, ibinahagi ng limang palabang singer kung paano binago ng “Idol Philippines” ang takbo ng kanilang buhay.

Sabi ni Ann Raniel, “Mas na-appreciate ko po ‘yung sarili ko. Dati po kasi hindi po ako ka-confident bago po ako sumalang ng ‘Idol Philippines’ and as time passes by po, nakikita ko po ‘yung suporta ng tao sa akin.


“Lalo na po ‘yung mga judges at lalo na po kung gaano kalayo ‘yung narating ko po ngayon. Mas na-appreciate ko po ‘yung sarili ko and mas naging grateful po ako sa lahat ng blessings po ni Lord,” dagdag pa niya.

Para naman kay Bryan Chong, perfect timing ang pagdating ng “Idol Philippines” sa buhay niya, “Maraming beses na po akong sumubok sa pangarap ko para mapansin po pero parang lagi po akong nare-reject pero rito sa ‘Idol’, napansin po ako.

“Tsaka napakita ko po ‘yung kakayahan ko artist. May right timing po tayo lahat,” dagdag pa niya.

Sabi naman ni Kice, “‘Yung family ko from all over the world, they connected even mga family members ko na hindi ko kilala, naglalabasan lang because they watch me.

“I learned so much from being here as an artist, musician and as a life long learner,” chika ng binata.

Pagbabahagi naman ni Ryssi Avali,  “‘Yung mga controversy po na ‘yun it doesn’t matter and Ryssi po and ito pong binigay na talent sa akin ni Lord ‘yung ipapakita and ibibigay ko po sa lahat.”

Kuwento naman sa “Idol PH” season 2 winner na si Khimo Gumatay, “Actually po, nu’ng una hindi po dapat ako sasali ng ‘Idol Philippines’ pero sa tulong po ng mga taong nakapaligid po sa akin na-push po talaga ako na sumali rito.

“Ngayon po, I’m beyond thankful po na sumali po ako rito sa ‘Idol Philippines’. ‘Idol Philippines’ was indeed a humbling experience and also a blessing po,” dugtong pang pahayag ni Khimo.

At bilang “Idol Philippines” season 2 grand winner, nanalo siya ng franchise ng Dermacare worth P3 million, recording contract mula sa ABS-CBN Music, P1 million cash, at house and lot na nagkakahalaga ng P2.5 million mula sa Camella Homes.

Nitong Linggo, nasaksihan ng manonood ang unang pagtapak ng lima sa stage ng “ASAP Natin To” kung saan muli silang nagpakitang-gilas sa harap ng madlang pipol.

Available na rin sa Spotify ang original songs ng Top 5 na “My Time” ni Khimo, “Totoo Na ‘To” ni Ryssi, “Angels” ni Kice, “Sa Wakas” ni Bryan Chong at “Power” ni Ann Raniel.
https://bandera.inquirer.net/324334/khimo-gumatay-itinanghal-na-idol-philippines-2-champion-wagi-ng-p1-m-house-lot-recording-contract-beauty-clinic

https://bandera.inquirer.net/284706/candy-itinuturing-na-himala-ang-anak-na-si-quentin-hes-my-ticket-to-heaven

https://bandera.inquirer.net/313875/idol-philippines-muling-magbabalik-gary-valenciano-chito-miranda-bagong-judges-na-makakasama-nina-moira-at-regine

https://bandera.inquirer.net/317131/chito-sa-solid-na-samahan-ng-parokya-ni-edgar-sa-amin-music-is-secondary-barkada-lang-muna-kaming-lahat

Read more...