Kilalang aktor iniwan ng ‘kabit’, mas pinili ni ‘gurl’ ang kanyang boyfriend

Guess, guess who? Ma-gets n’yo kaya kung sino siya?

TSIKAHAN ng mga taong nakakakilala sa isang aktor ay palagi nitong sinasabi na dapat daw ay laging may pagrespeto sa mga may karelasyon na at huwag nang pasukan o makigulo pa.

Ito kasing aktor na bida sa aming blind item ay hindi naman sinusunod ang advice niya dahil may nakarelasyon pala itong may sabit na.

“Ang galing niyang magpayo, e, siya mismo ginagawa naman ‘yung bawal?  Si gurl may karelasyon, e, hindi nga rin namin alam kung bakit nagustuhan ni _____ (gurl) si ____ (aktor). Hindi ba siya natakot na sa showbiz walang nalilihim sa bawal na relasyon?

“Ang dami pang nakakaalam na sila, buti sana kung silang dalawa lang ang nakakaalam ng mga pinaggagawa nila, e, ang daming may alam,” kuwento pa ng aming source.

Walang balita kung alam o nagkuwento ang gurl na nakarelasyon ng aktor sa boyfriend niya pero kilala kasi ang dalaga na walang inililihim sa dyowa niya kaya posibleng may alam na ito.

Tahimik ang gurl ngayon, baka nga umiiwas na siya sa isyu. Si aktor naman ay ang ingay-ingay sa social media na halatang naghahanap ng atensyon kasi nga mas pinili ni gurl ang boyfriend niya.

“Naku eversince naman na nakilala ‘yang si ____ (aktor), papansin na siya. Parang bahagi na yan ng sistema niya.

“Mabuti na lang at hiwalay na sila nu’ng aktres na nakarelasyon din niya, nabasag na siguro ‘yung helmet na ipinasuot sa kanya. Ha-hahaha!” sabi pa ng aming source.

https://bandera.inquirer.net/296060/bossing-sarap-na-sarap-sa-work-from-home-set-up-bilib-na-bilib-kay-maine-sa-comedy

https://bandera.inquirer.net/286504/banta-ni-sassa-gurl-kabahan-na-kayo-barbie-at-jak-dahil-ako-na-ang-ibinabalita-ng-gma-lagot

https://bandera.inquirer.net/303170/hamon-ng-bagong-calendar-girl-na-si-sassa-gurl-ano-na-bea-at-chie-tara-shot-puno-basagan-chares
https://bandera.inquirer.net/307632/saab-magalona-umalma-sa-nagsabing-hindi-raw-proud-sa-kanya-si-francis-m-kung-buhay-pa-ito-mas-kilala-ko-tatay-ko-sa-yo

Read more...