Vhong dinedma lang ng kaibigang hiningan ng tulong; Billy malungkot na malungkot dahil sa sinapit ng kaibigan

Billy Crawford at Vhong Navarro

SINO kaya ang kaibigan ni Vhong Navarro na hiningan niya ng tulong pero hindi siya pinansin?

Base sa tsikahan nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Tita Jegs sa kanilang YouTube vlog, nagpadala raw ng mensahe si Vhong sa isang kaibigan at humihingi ng tulong  pero dinedma lang siya.

“Seen zone lang,” sambit ni Ogie.

Tanong ni Mama Loi, “Da Who?”

Hindi sinagot ni Ogie ang tanong ng co-host bagkus ay nagbigay siya ng halimbawa na makikilala ang mga tunay na kaibigan sa oras ng kagipitan.

Say ni Ogie, “Hay naku, siyempre doon mo mate-test ‘yung mga tunay mong kaibigan sa panahong kailangang-kilangan mo sila.


“Kaya tama si Janus del Prado sa sinabi niyang, iba ‘yung personal friends sa taping friends or sa shooting friends or show friends.

“Masyado akong napaisip do’n. Oo nga, ang tagal ko na rito (showbiz) at kokonti lang ‘yung maituturing kong kaibigan sa showbiz. Siguro choice ko na rin na ito lang kami. Ito lang ‘yung circle ko hindi ko na dadagdagan pa ng iba.

“Dumating na rin kasi ako sa punto na nu’ng araw ako’y na-libel case rin talagang humingi ako ng tulong sa iba kaya markadong-markado sa akin pagdating sa pakikiramay unang-una ‘yung nanay-nanayan ko, si Ate Cristy Fermin, ‘yan talaga! 

“Hararang ng bala for you. Hahanap pa ‘yan ng mga kakilala kung sino ang puwedeng makatulong, tapos si Ate Lolit (Solis).

“Mabibilang mo lang talaga sa mga daliri kasi ‘yung iba, dedma. Ay si Aiko Melendez isa pa ‘yan! Sobrang mahal ko ‘yan, in fairness!” aniya pa.

Naikuwento rin ni Ogie na bago inalisan ng cellphone si Vhong para ipasok sa detention center ng NBI ay nagkausap pa sila ni Billy Crawford at pinalakas nito ang loob ng dating kasamahan sa “It’s Showtime.” Malungkot na malungkot daw ang “Lunch Out Loud”  host sa nangyari sa kaibigan.

“Anyway, dito siguro matatagpuan ni Vhong sa ganitong pagkakataon sa kanyang crucial omen ang matatagpuan at mararamdaman ang mga tunay niyang kaibigan. At siyempre ipinagpe-pray pa rin natin na manaig ang hustisya,” saad ni Ogie.

* * * 

Kamakailan ay nabalitang pag-iisahin na lang ang news channel ng Kapamilya network na ANC at Teleradyo at magaganap ito sa Disyembre.

Ang ANC ay napapanood sa cable TV at online samantalang ang Teleradyo ay napapanood pa rin sa digital free TV, cable, at online.

Base sa lumabas na ulat ay pagsasamahin na lang sa iisang news channel ang ANC at Teleradyo para makabawas sa gastusin.

Matatandaang umabot sa 26 years ang ANC na maituturing na longest running English news channel at 2007 naman nagsimula ang Teleradyo na dating DZMM Teleradyo na tagalog news channel ng ABS-CBN.

Ang tanong ng lahat, ano kaya ang bagong titulo kapag pinagsama ang dalawang news program?

https://bandera.inquirer.net/320519/vhong-navarro-kinampihan-ng-ex-wife-na-si-bianca-lapus-the-truth-will-prevail-walang-iwanan

https://bandera.inquirer.net/283991/bea-hiningan-ng-hubot-hubad-na-litrato-ng-ex-dyowang-aktor

https://bandera.inquirer.net/301578/andi-masaya-na-malungkot-ang-pasko-nakasama-si-jaclyn-pero-hindi-kapiling-si-philmar

https://bandera.inquirer.net/304160/ilang-miyembro-ng-benben-nag-positive-rin-sa-covid-19-concert-sa-dubai-hindi-na-muna-itutuloy

Read more...