Dennis hindi pera ang habol sa mga anak: Wala akong hinihingi kahit singkong-duling, nagtatrabaho naman ako

Julia Barretto at Dennis Padilla

HINDI pera ang habol ng veteran comedian na si Dennis Padilla sa mga anak niya kay Marjorie Barretto, lalo na raw kay Julia.

Ang nais daw niyang mangyari ay ang makasama muli ang mga anak at makapag-bonding sila kahit sandaling panahon lamang.

Ayon sa talent manager at vlogger na sibOgie Diaz, nakausap niya kamakailan sa pamamagitan ng telepono ang kontrobersyal na komedyante.

Napag-usapan nga raw nila ang estado ng relasyon ni Dennis sa mga anak niya sa dating asawang si Marjorie na sina Julia, Claudia at Leon. Ang tanging nais nga raw ng komedyante ay magkaayus-ayos na silang lahat.

Sa bagong vlog ni Ogie sa kanyang YouTube channel, nabanggit nga niya ang naging takbo ng kanilang usapan kamakailan.

“Sabi ni Dennis, ‘Yung iba kong anak nirerespeto ako. ‘Yung iba kong anak may communication pa rin kami hanggang ngayon, dito (mga anak kay Marjorie) lang talaga. Gusto kong i-work out ‘yung relasyon ko sa mga anak ko,'” pagbabahagi ni Ogie.

Nagbigay din ang beteranong komedyante ng reaksyon sa natatanggap na hate message mula sa netizens nang dahil sa pagpo-post niya sa social media tungkol sa kanyang saloobin sa pangdededma sa kanya nina Julia.


“Sabi pa sa akin ni Dennis, ‘Hindi nila alam ‘yung totoong kwento.’ Hindi naman ako nanghihingi kahit singkong-duling kasi nagtatrabaho naman ako, may mga raket ako. 

“Ayoko ring masumbatan ako ng mga anak ko na ako ay manghihingi kaya gusto ko silang i-meet.’

“‘Gusto ko lang silang makapiling. Tatay lang din naman ako na nangungulila din at nami-miss ‘yung yakap ng mga anak ko,'” sabi pa raw ni Dennis.

Matatandaang sinagot ni Dennis ang naging pahayag ni Julia sa vlog ni Karen Davila tungkol sa estado ng kanilang relasyon bilang mag-ama.

“I’ll be very honest. We have not spoken and it’s because there’s just so much fear inside me now if I’m being open. I’m just really scared.

“Because over the years, it’s a cycle of making up and getting hurt. I want to huminga muna from that cycle. I don’t know. Maybe in God’s time, may ways mag-meet kami in the middle without getting hurt again,” sabi ni Julia.

Sabi naman ng kanyang ama, nag-sorry na siya sa lahat ng mga pagkukulang niya sa mga anak pero mukhang hindi pa ito sapat para patawarin at tanggapin siya nina Julia, Claudia at Leon.

“Ang buong bahay ko… Ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo julia. Ano pang revenge ang gusto niyong gawin? Lahat ng blessings nasa inyo na.

“Humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko. Ano pa gusto nyo?  Pati kay Gerard (Anderson) humingi ako ng apology… Ano pa?” himutok ni Dennis. 

https://bandera.inquirer.net/316992/dennis-may-open-letter-din-para-kay-leon-hiling-na-makasama-muli-ang-anak-i-regret-all-the-times-i-hid-my-feelings-from-you

https://bandera.inquirer.net/324440/marjorie-ayaw-nang-patulan-ang-mga-hugot-ni-dennis-mas-piniling-pasayahin-si-julia-i-love-you-im-so-proud-of-you

https://bandera.inquirer.net/315302/brenda-mage-may-bagong-dyowa-bwelta-sa-bashers-ano-ngayon-kung-pera-lang-habol-sa-kin-ng-lalaki-at-niloloko-lang-ako
https://bandera.inquirer.net/284725/jinkee-sa-chikang-pera-lang-ang-habol-kay-pacquiao-maraming-beses-din-kaming-nangutang

Read more...