Ex-Star Magic artist at beauty queen Pearl Gonzales balik-showbiz; 3 online show ng MPJ Network aariba na

Pearl Gonzales, Perry Escano at ang mga talents ng MPJ Network

IN FAIRNESS, malaki ang chance ng dating Star Magic artist at beauty queen na si Pearl Gonzales na mabigyan uli ng puwang sa mundo ng showbiz.

Natigil sa pag-aartista si Pearl na may screen name noong Mary Eileen Gonzales dahil kinailangan niyang magtungo sa Amerika at naging busy sa pagpapatakbo ng kanilang family business at may sarili na rin siyang line of beauty products.

Naging model at finalist siya noon sa Century Tuna Buddies at nagwagi rin bilang Miss Global Philippines taong 2018 kaya naman talagang may marka na siya sa showbiz kahit paano.

Sa mga hindi pa masyadong aware, si Pearl ang kauna-unahang single mom na nanalo ng titulo sa nasabing international beauty pageant.

May anak siya sa aktor na si Johan Santos na itinanghal na 4th Placer sa 2009 edition ng “Pinoy Big Brother.” Kaya naman bilang single mom talagang ginagawa niya ang lahat para sa kanyang anak.

At makalipas ang ilang taon, nagbabalik nga si Pearl para muling makipagsapalaran sa local entertainment industry na matagal na raw niyang gustong balikan.

Nakachikahan ng ilang members ng press si Pearl sa launching ng YouTube Premium Kumu shows ng MPJ Network Productions na pag-aari ng actor-director na si Perry Escaño at Noreen Espejon nitong nagdaang Sabado, September 24.


Naikuwento niya na nakasama siya sa romcom series na “Boyfriend No. 13” bilang third party sa tambalang Sue Ramirez at JC Santos na napapanood daw sa WeTV.

Nabanggit ni Pearl na may mga offer na sa kanya ang Vivamax para sa ilang sexy movies pero parang hindi pa raw niya kayang makipagsabayan sa mga palabang sexy stars ng streaming app ng Viva Entertainment.

Sa mga sikat na male stars ngayon, gusto raw niyang makatrabaho si Zanjoe Marudo dahil talagang idol na idol daw niya ang binata. Bukod daw sa mukha itong mabait at gentleman ay ang galing-galing din daw nitong aktor.

Samantala, isa nga si Pearl sa mga special guest sa Kumu show na “Simply Exquisite” hosted by Nicky Gilbert na mapapanood na simula sa September 29, Huwebes, 8 p.m. sa MPJ Network via YouTube Premium channel.

Ang dalawa pang magpi-premiere na show sa direksyon ni Perry Escaño, ay ang “Kids Toy Kingdom”, hosted by singer Hannah Ortiz and newbie Tom Leaño, at 6 p.m., with guests Iverson Santos and Aldrin Angeles.

Susundan naman ito ng “Millennials Lifestyle”, hosted by singer Sofi Fermazi, Chesca Orolfo, Archie Alcantara and Lyra Sloan, at 7 p.m., with pilot guest Marie Preizer.

The young hosts and new faces in the entertainment scene are the exclusive contract artists of MPJ Angels Artists’ Pool, managed by Direk Perry (who has also ventured on talent management aside from being a filmmaker, scriptwriter, and events director), along with Ms. Noreen “Mommy Angel” Espejon, former handler of Ex Batallion and Kuh Ledesma.

https://bandera.inquirer.net/317311/kris-binatikos-sa-suot-na-pearl-necklace-lolit-rumesbak-panlaban-sa-sakit-at-mga-negativity-sa-buhay-ang-alahas-na-perlas

https://bandera.inquirer.net/317336/lolit-solis-kinontra-ng-netizen-ukol-sa-pagsusuot-ni-kris-ng-pearl-necklace

https://bandera.inquirer.net/316744/jeric-gonzales-nagbura-ng-mga-pictures-sa-instagram-hiwalay-na-kay-rabiya
https://bandera.inquirer.net/324788/jeric-gonzales-in-good-terms-pa-rin-kay-rabiya-kahit-hiwalay-na

Read more...