#MayEbidensiya: Julia Montes hindi buntis, sasabak sa action movie kasama si Arjo Atayde

Julia Montes, Arjo Atayde, Sylvia Sanchez at ang iba pang cast members ng pelikulang ‘Topakk’

HAYAN, nagpakita na si Julia Montes sa publiko, at hindi siya BUNTIS!

Kaka-post lang ngayon ng Cornerstone Entertainment sa kanilang Facebook page ng mga larawan ni Julia kasama ang mga co-stars sa bago niyang proyekto.

Base sa mga larawang nakita namin, magkakasama sina Julia, Kokoy de Santos, Vin Abrenica, Paolo Paraiso, Cholo Barretto, Julio de Leon at Sid Lucero habang kinakausap nina Direk Richard Somes at Wilfredo Manalang. Naroon din ang mag-inang Sylvia Sanchez at Congressman Arjo Atayde.

Ang caption ng Cornerstone Entertainment sa mga litrato, “Nagsimula na si Julia Montes mag immersion training para sa TOPAKK, ang inaabangang action thriller film ni Direk Richard Somes.”

Sa madaling salita ay action movie ito at makakasama nga ni Julia ang mga aktor na nabanggit at siya lang ang babae, huh?


At dahil tinanggap ni Julia ang pelikula na may fighting scenes ay iisa lang ang ibig sabihin, hindi siya buntis.

Hayan, klaro na sa lahat ng mga nag-iisip na baka raw buntis ang aktres courtesy of her rumored partner na si Coco Martin.

At base rin sa mga larawan ay ang payat ngayon ng aktres. Baka naman kasi matagal nang nakunan ‘yung magkasama sina Coco at Julia sa pagtatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” kaya mataba at malaki ang balakang niya that time?

O, baka kasi nahiyang sa bakasyon sa Norte lalo’t sariwa pa ang mga pagkain doon kaya hayun, medyo nadagdagan ang timbang ni Julia.

Anyway, abangan na lang natin kung ano pa ang ibang detalye tungkol sa pelikulang “Topakk” na pagsasamahan nina Arjo, Julia, Sid at iba pa.

https://bandera.inquirer.net/282457/julia-montes-miss-na-miss-na-ng-fans-kaya-may-paramdam-sa-abs-cbn

https://bandera.inquirer.net/287479/julia-montes-umaming-super-in-love-ngayon-yes-agad-ang-sagot-kapag-niyayang-pakasal

https://bandera.inquirer.net/296921/julia-tinawag-na-mrs-martyr-ni-cristy-fermin

https://bandera.inquirer.net/280634/julia-montes-sa-bahay-na-ni-coco-martin-nakatira

Read more...