NAGULAT kami sa revelation ni Anthony Jennings, isa sa cast ng “Lost and Found’ episode ng bagong iWantTFC series na “Love Bites” kasama si Karina Bautista.
Kuwento ng binata, pumasok daw siya sa ABS-CBN noon na hindi marunong magsulat dahil hindi siya nakapag-aral.
Ini-reveal ito ni Anthony sa “Boys After Dark Episode 3” nang matanong kung ano ang biggest regret niya sa buhay.
Aniya, “Well, oo regret ko pero hindi 100% na sobra kong kasalanan, 50-50. Hindi kasi ako nag-aral.”
“As in hindi nag-aral?” balik-tanong ni Markus Paterson.
Hirit ni Aljon Jimenez, “Elementary lang?”
“(Oo), Elementary lang. Hindi ako marunong magsulat. Pumunta ako sa ABS (CBN) noon hindi ako marunong magsulat,” pagtatapat ng binatang aktor.
Mababanaag ang lungkot sa mga mukha nina Aljon, Jae Miranda, Gello Marquez at Markus habang pinakikinggan si Anthony.
Sa pagpapatuloy nito, “Ako pa ‘yung nagturo sa sarili kong magbasa hindi talaga ako nag-aral, wala akong masyadong alam. Kasi nga personal problems, personal responsibility.
“Pinag-aral ko ang mga kapatid ko kasi siyempre ayoko namang matulad sila sa akin. Hindi ako marunong magsulat kung makikita n’yo ang pangit ng sulat ko,” aniya pa.
“Workshop tayo bro para sa ‘yo, workshop for Anthony Jennings,” alok ni Jae.
“So, ‘yan ang regret ko hindi ako nakapag-aral,” saad ni Anthony.
“Sana nakapag-aral ka,” sabi ni Aljon.
“Sana, kaso hindi ako nabigyan ng opportunity, ‘yun ‘yung at a young age nag-start na akong mag-work na kung anu-ano ang ginawa ko sa buhay ko pero alam ko nasa top of the mind ko pa rin na mag-aral ako after everything, after anong mangyari,” garalgal ang boses na sabi ni Anthony sabay punas ng mga mata.
At para hindi magtuluy-tuloy sa pag-iyak niya ang aktor ay nagsabi si Markus ng, “At nasa Netflix ngayon ang Love at First Stream movie. Gawin nating number one sa Netflix ang Love at First Stream para kay Anthony, congratulations.”
Matatandaang nakuha ni Anthony ang loob ng dating Star Magic head na si Johnny Manahan dahil nalaman niyang kargador noon sa pier ang aktor at nag-aaral sa gitna ng kalye gamit ang lampara.
Sabi noon ni Mr. M tungkol sa binata, “Si Anthony may istorya ‘yan, eh. Ano ba ‘yung trabaho niya, sa pier? Nagbubuhat siya (kargador), ganu’n siya sa Tondo.
“Nakakaano kasi mukha siyang mestizo tapos nag-aaral siya sa may lampara, street lamp. Ganu’n siya kadukha. May mga kapatid siya tapos siya lang nag-e-earn ng money,” sabi ni Mr. M.
At para raw magkaroon ng allowance noon si Anthony ay ipinasok siya sa Rise Studio, “I hope he’s doing okay kasi pinasok ko yan sa Rise (Artist). Mabuti na lang ‘yung Rise may allowance ‘yan, so, masaya na siya ng konti hindi na siya nagbabasa ng libro (under the street lamp),” say pa ni Mr. M na nasa GMA Sparkle na ngayon.
At dahil pinagbubuti ni Anthony ang trabaho niya, marunong makisama sa lahat at marunong umarte kaya’t kaliwa’t kanan ang projects niya sa Kapamilya network tulad ng “Love Bites’ at “Tara G.”
https://bandera.inquirer.net/284309/promise-ni-dennis-kay-jennylyn-sa-lupa-sa-ilalim-ng-dagat-kahit-saan-pa-man-hindi-kita-pababayaan
https://bandera.inquirer.net/309784/maris-binansagan-ni-john-lapus-na-next-romcom-queen-lelebel-na-kina-regine-toni-at-angelica
https://bandera.inquirer.net/281786/babala-ni-nadine-sa-mga-basher-i-still-bite-sometimes-i-just-dont-have-time
https://bandera.inquirer.net/307790/jillian-ward-ibinandera-ang-bagong-sports-car-binansagang-kylie-jenner-ng-pinas