Dennis may ‘peace offering’ para kay Julia, umaasa pa bang magkakaayos silang mag-ama?

Dennis Padilla at Julia Barretto

MUKHANG nahimasmasan na ang veteran comedian na si Dennis Padilla matapos maglabas ng sama ng loob sa napanood na interview ni Karen Davila kay Julia Barretto.

Feeling namin, na-realize ni Dennis na wala ngang maidudulot na maganda ang pagpo-post ng kanyang saloobin laban kay Julia at sa iba pa niyang mga anak kay Marjorie Barretto.

Nitong Biyernes, September 23, nag-post ng mga throwback photos ang komedyante ng mga litrato nila ni Julia sa kanyang Instagram Stories.


Naibahagi na niya ito noong Marso at ni-repost uli pagkatapos ng kontrobersyal na mga hugot niya sa IG matapos mapanood ang vlog ni Karen kung saan muli ngang nagsalita si Julia tungkol sa relasyon nila bilang mag-ama.

Walang inilagay na caption si Dennis sa kanyang IG Story pero makahulugan ang ginamit niyang background song, ang “Love Is the Answer,” nina England Dan at John Ford Coley na may temang “another try.”

Ayon sa mga followers ni Dennis, mukhang ito nga ang “peace offering” niya para kay Julia pagkatapos ng sunud-sunod na hugot niya bilang ama na nasaktan sa mga pinagsasabi ng kanyang anak.

Sabi ni Julia sa panayam ni Karen, “I just want to breathe from that cycle. I’ve just been praying also na, maybe in God’s time and way, mag-meet kami in the middle without having to get hurt again.”

Sey naman ni Dennis sa kanyang post na burado na ngayon, “Ang buong bahay ko ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo, Julia.

“Ano pang revenge ang gusto niyong gawin? Lahat ng blessings nasa inyo na. Humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko. Ano pa gusto niyo?” aniya pa.

Nauna rito, nabalitang pinagsabihan daw si Dennis ng kanyang manager na si June Rufino na burahin ang mga post niya tungkol kay Julia.

Utos daw mismo ng bossing ng Viva Entertainment na si Vic del Rosario na i-delete ni Dennis ang mga post niya laban sa kanyang anak. Pareho kasing contract artists ng Viva Films ang mag-ama.

https://bandera.inquirer.net/307623/dennis-padilla-may-pa-advance-birthday-greeting-kay-julia-netizens-hiling-na-magkaayos-ang-mag-ama

https://bandera.inquirer.net/301739/babala-ni-dennis-sa-mananakit-sa-mga-anak-gaganti-ako-hindi-na-ako-comedian-nun-action-star-na-ako
https://bandera.inquirer.net/302529/karen-binasag-ang-basher-na-nagsabing-wala-siyang-ginawa-kundi-mag-travel-get-a-life-man
https://bandera.inquirer.net/324166/julia-barretto-hindi-pa-rin-nakakausap-si-dennis-padilla-theres-just-so-much-fear-inside-me

Read more...