Pagkanta ni Sunshine Cruz ng ‘Someone That I Used To Love’ para nga ba kay Macky Mathay?

Macky Mathay at Sunshine Cruz

MAY kinalaman kaya ang pagkanta ng aktres na si Sunshine Cruz ng awiting “Someone That I Used To Love” sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ni San Juan City Councilor Macky Mathay?

Ang nasabing post ay umabot na sa 1 million views na labis na ipinagpapasalamat ng aktres.

Makahulugan ang post ni Sunshine sa kanyang Facebook account pagdating niya mula sa lock-in shoot.


Ang caption ng aktres sa larawan niya ay, “I experienced so much realizations and challenges while I was locked in for 35 days. It wasn’t easy coz there’s not much you can do but pray and hope for the best. 

“Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way.

“So much blessings are being given to me and my family after all. Wala akong karapatang mag reklamo. (praying hands at heart emojis),” ang mensahe ng aktres.

Kaya namin natanong kung may kinalaman ang awiting “Someone That I Used To Love” ay sa dahilang wala nang post si Sunshine tungkol kay Macky sa kanyang Instagram account.

Ang huling post niya ay noon pang Agosto 27 kung saan magkasama sila ni Macky sa debut party ng anak na si Sam. Nandoon din ang ex-husband nitong si Cesar Montano.

Nasanay na kasi ang netizens na every now and then ay may post si Shine tungkol sa kanila ni Macky, pero sa pagkakataong ito ay waley after the 35 days lock-in shoot.

At ang nakagugulat ay hindi na niya pina-follow si konsehal Macky sa Instagram account nito, pero pina-follow pa rin siya ng boyfriend.

At sa larawang ipinost ni Sunshine para naman sa 21st birthday ng anak na si Angelina Isabel ay wala rin si Macky, pero present naman si Cesar kasama ang kanyang girlfriend na si Socorro Angeles at tatlo nilang anak na dalawang lalaki at isang babae.

May kuha rin si Sunshine na kasama ang tatlong bata at ang caption niya ay, “So happy to meet these cuties (heart emojis).”

Nagkomento naman dito si Teresa Loyzaga na ina ni Diego Loyzaga at kapatid sa ama ng mga anak ni Sunshine, “The Heart of a Mother @sunshinecruz718.  Boundless Blessings to all.”

Wala kaming nabasang binati ni Macky sa kaarawan niya si Angelina Isabel sa napakaraming posts na nabasa namin.

Ang huling post ni Sunshine ay larawan niyang background ang dagat at ang caption ay, “There is always something to be grateful for (white heart emoji).”

Anyway, baka may tampuhan lang ngayon ang dalawa kaya abangan natin ang susunod na kabanata.

https://bandera.inquirer.net/324890/true-ba-ang-chika-sunshine-cruz-at-macky-mathay-hiwalay-na

https://bandera.inquirer.net/322690/sunshine-cruz-ibinandera-ang-pagkikita-nina-cesar-montano-at-macky-mathay-sa-debut-ng-anak-in-gods-perfect-time-always
https://bandera.inquirer.net/299612/xian-sobrang-miss-na-miss-na-si-kim-years-later-its-still-you-and-me
https://bandera.inquirer.net/280943/kris-pahinga-sa-socmed-ngayong-holy-week-magpo-focus-muna-kay-lord

Read more...