NAPA-WOW at bumilib talaga nang bonggang-bongga ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa ipinakitang akting ni Xian Lim sa kanilang reunion movie.
Proud girlfriend ang dalaga habang nagkukuwento tungkol sa bagong pelikula nila ni Xian, ang Philippine adaptation ng Korean movie na “Always” mula sa Viva Films, at sa direksyon ni Dado Lumibao.
Ayon kay Kim, magkahalong nerbiyos, excitement at pressure ang naramdaman niya noong mga unang araw ng shooting nila para sa “Always.”
“Our last movie was eight years ago pa and the ones we did before were all romcoms kaya this is something new for us as it’s a romantic drama,” simulang pahayag ni Kim sa presscon ng movie.
“Right after we confirmed we’re doing ‘Always’, ipinasok na agad ni Xian ang character niya as Lino sa sarili niya.
“Lagi siyang naka-hoodie kasi si Lino, laging may suot na hoodie. At mega diet siya for his shirtless scenes. Mas lumalim din ang acting niya rito.
“When Direk Dado Lumibao and I watched some of his scenes, napahanga kami kasi intense talaga ang acting niya. Hala, ang galing ni Xian, mas nakaka-in love lalo,” chika pa ng actress-TV host.
Ang “Always” ay base sa hit 2011 Korean film na tungkol sa dalagang si Anna (Kim) na isang bulag at muling makakakita sa tulong ni Lino (Xian), na nasuong sa underground streetfighting match para kumita ng perang kailangan sa eye operation ni Anna.
Tungkol sa kanyang role, kuwento ni Kim, “Ako naman, I prepared myself in playing the role of a blind girl by pretending to be blind kahit nasa bahay lang ako.
“Xian helped me a lot. Kasi director na rin siya, he reminds me na bulag ako kasi kung minsan, nakakalimutan ko sa eksena,” aniya pa.
Natanong naman si Xian kung gusto ba niyang idirek si Kim in the future, “I’d love to. It’s one of my goals, to direct her. Tinanong ko na nga siya what kind of story does she like and I will write it for her.
“Although very challenging to direct her siguro kasi she’s a natural born leader. Parang mahirap to tell her what to do.
“So kung ano gusto niya, sige po na lang ako. Mabilis akong kausap. Kapag happy ang girlfriend, happy rin ang buhay. Ha-hahaha!” sabi ng Kapuso hunk.
Samantala, maituturing namang isang bonggang regalo ng KimXi ang kanilang reunion movie sa kanilang loyal fans.
“So, this is like our gift for them kasi they’ve been very loyal in supporting us all these years. We’ve been paired for more than ten years kasi 2011 pa yung ‘Binondo Girl’ where we first met.
“And when they started following us, mga bata pa sila at ngayon, mas mature na sila, just like us. Tumanda na rin kami from doing bubbly romcoms to a more mature material like ‘Always,’” sey pa ng dalaga.
Dagdag na chika ni Xian, “We enjoyed making this movie kasi yung mga pinagdaanan namin dito, it taught us na kahit ano ang challenges na dumating sa buhay nyo, basta nagmamahalan kayo ng tunay, yun ang magiging anchor n’yo.
“As long as nandun ang love, respect and trust nyo sa isa’t isa, your relationship will be solid. Mahal po namin talaga ang isa’t isa,” sabi pa ng binata.
Reaksyon ni Kimmy, “It’s true. Hindi naman po siguro kami magtatagal nang ganito na more than a decade na kung hindi po maayos si Xian. Pareho kasi kami, we have the same values and aims in life.
“It really feels good to have a partner na kasama mo rin sa trabaho and you have the same dreams and goals,” dugtong ng aktres.
Hindi rin daw sila nag-aaway sabi ni Xian, “Magkaroon man po kami ng di pagkakaunawaan, hindi namin pinalalampas ang buong araw na hindi kami nagkakausap para ayusin ang problema,” adds Xian.
At tungkol naman sa pagpapakasal, sabi ni Kim, “Yes, napag-uusapan naman namin kasi doon naman papunta ang relasyon namin. But we don’t know yet when or where. If ever, we will let you know naman.”
Showing na ang latest offering ng “Always” ng Viva Films sa mga sinehan nationwide sa September 28.
https://bandera.inquirer.net/283503/kim-niregaluhan-ni-xian-ng-ootd-na-pang-motor-para-raw-ready-ako-umangkas-sa-kanya
https://bandera.inquirer.net/288188/kim-suportado-ang-paglipat-ni-xian-sa-gma-makakatambal-si-jennylyn-sa-unang-kapuso-serye
https://bandera.inquirer.net/317105/xian-gaza-tinalakan-si-dennis-padilla-yung-fathers-day-greeting-ay-hindi-hinihingi-sa-mga-anak-ine-earn-yan
https://bandera.inquirer.net/316706/kim-chiu-xian-lim-nagsimula-nang-mag-shooting-para-sa-reunion-movie-nilang-always