Jeric Gonzales sa kinasangkutang video scandal: Nakakahiya! Nawala yung self-esteem ko, down talaga!

Jeric Gonzales

DIRETSAHANG inamin ng Kapuso hunk na si Jeric Gonzales na talagang naapektuhan siya nang bonggang-bongga ng umano”y sex scandal na kinasangkutan niya ilang taon na ang nakararaan.

Pagkatapos manalo bilang male grand winner ng Kapuso artista searcg na “Protégé: The Battle for the Big Artista Break” noong 2012, agad na nasangkot sa matinding iskandalo ang binata.

Taong 2016 nang kumalat ang sinasabing video scandal ni Jeric na pinagpiyestahan ng mga netizens. Kung hindi kami nagkakamali, ito yung video kung saan mapapanood ang isang lalaki na nakahubo’t hubad habang pinaliligaya ang sarili.

Sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast na in-upload nitong nagdaang September 22, naitanong sa aktor kung ano pinakamatinding pinagdaanan niya sa kanyang showbiz career.

“Pinakamalaking struggle? Siguro nu’ng nag-start pa lang ako, mga two years, three years pa lang ako sa showbiz.

“I was involved in an ano… yung scandal, of course. Parang social media scandal. I went viral talaga. Hindi ko alam kung paano siya iha-handle that time.

“Parang gusto ko na ngang huwag na lumabas, mag-quit, huwag na magpakita. Kasi ganoon pala ang feeling kapag nag-trend ka—nag-trend not in a good way—na parang tingin mo, lahat ng tao yung tingin sa ‘yo, yung tingin sa ‘yo hindi maganda.


“Nakakahiya talaga. Wala yung self-esteem mo, talagang down talaga,” ang tuloy-tuloy na pahayag ni Jeric.

Abot-langit naman ang pasasalamat ng aktor sa GMA at sa kanyang pamilya dahil sa 100% na suporta at pagpapahalaga na ibinibigay sa kanya.

Chika ni Jeric, “Ginuide talaga nila ako na kahit na anong isyu ‘yan, parang, if you will do good, parang mas makikita nila yung positive sa ‘yo, yung good sa ‘yo, yung pagbabago sa ‘yo.’

“Kung paano ka nag-rise up, kung paano ka tumayo doon sa pagkakadapa mo, dun sa downfall mo, yung sa pagkakamali mo, to a good way na na-improve mo yung sarili mo.

“Ipakita mo na mas naging strong ka, mas nag-improve ka. And then, mas na-inspire ka, mas na-motivate ka dahil sa nangyari,” aniya pa.

Sa tanong kay Jeric kung naapektuhan din ba ang kanyang pamilya hinggil dito, “From the start naman talaga, ayaw nila akong mag-showbiz, kaya medyo sensitive sila about every issue na lumalabas sa akin.

“Pero hanga rin ako sa kanila kasi nandiyan lang sila sa tabi ko kahit nasasaktan sila. Parang hindi nila ako dini-discourage, hindi nila ako pinagbabawalan na, ‘Huwag na, tama na, quit ka na, ganu’n.’

“Parang they still believed in me, na kaya ko talaga, na magsa-succeed talaga ako dito sa showbiz.

“Nakikita nila kasi na ito ang passion ko, e, na ito talaga ang dream ko. So, ayun, sinusuportahan nila ako.

“Kahit nasasaktan ako, nandiyan sila sa tabi ko, and gina-guide nila ako,” say pa ni Jeric.

Isa ang Kapuso singer-actor sa cast members ng “Start-up PH” na mapapanood na sa GMA 7, simula Lunes, September 26, na pinagbibidahan nina Alden Richardsl at Bea Alonzo.

https://bandera.inquirer.net/316744/jeric-gonzales-nagbura-ng-mga-pictures-sa-instagram-hiwalay-na-kay-rabiya
https://bandera.inquirer.net/315084/jeric-gonzales-feeling-super-lucky-nang-maging-dyowa-si-rabiya-mateo-may-pinatunayan-sa-mga-bashers
https://bandera.inquirer.net/316484/rabiya-jeric-in-unfollow-sa-ig-ang-isat-isa-tuluyan-na-nga-bang-naghiwalay
https://bandera.inquirer.net/324788/jeric-gonzales-in-good-terms-pa-rin-kay-rabiya-kahit-hiwalay-na

Read more...