Bea maraming natutunan kay Alden habang nagtatrabaho: Pwede ka ring mag-enjoy while working…

Alden Richards at Bea Alonzo

GRABE ang pasasalamat ni Bea Alonzo sa leading man niya sa “Start-Up PH” na si Alden Richards matapos marinig ang mga papuri nito sa kanya.

Sa naganap na grand mediacon at celebrity/press screening ng kanilang Kapuso series na magsisimula na bukas, September 26, talagang “pinaliguan” siya ng Asia’s Multimedia Star ng positibong salita.

“I’m really very thankful and yes, very, very flattered with what Alden said. And I can say that I feel the same way about him, na siya yung parang naging welcoming committee ko sa GMA. 

“We’ve worked together before in a commercial, so siyang nag-introduce sa akin sa mga kasama namin sa GMA. Close siya sa lahat ng mga tao, yung mga staff, pati sa mga artista,” pahayag ni Bea.

Paano naman niya ilalarawan si Alden bilang leading man? “He’s very playful on the set na parang siya yung nagse-set ng tone sa shoot. Happy siya lagi. E, ako, kadalasan kasi may pagka-serious type ako pagdating sa trabaho. 


“But natutuhan ko sa kanya na you don’t have to take so many things too seriously. Minsan, puwede ka rin mag-enjoy while working,” sabi pa ng award-winning actress.

Inamin din ni Bea na parang nagsisimula siya uli nang magsimula ang taping nila sa “Start-Up PH” na siyang kauna-unahang teleserye niya sa GMA 7.

“It’s quite challenging kasi bagong work environment, bagong mga kasama, but I am simply enjoying and whatever it is life brings to me. 

“At my age, I’m no longer like in my teenage years na ang dami mong gustong patunayan, takot ka pa sa anumang sasabihin ng tao sa’yo. Now, I care less about those things and I care more about what’s going to make me happy,” aniya pa.

Dagdag pang chika ng dalaga, “I’m happy na ‘Start Up PH’ ang first show ko with GMA kasi ang ganda talaga ng story.

“It’s about family relationships, about pursuing your dreams and aspirations in life no matter what the odds, and it’s also about love. 

“And I have to commend my co-stars kasi magagaling silang lahat at nakaka-inspire silang kasama sa trabaho, and also our directors for orchestrating everything for us to come up with a really good show that we can all be proud of,” pahayag pa ni Bea.

Magsisimula na ang “Start-Up PH” sa Lunes, 8:50 p.m., pagkatapos ng “Lolong”. Makakasama rin dito sina Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales, Gina Alajar, Kim Domingo, Jackielou Blanco at marami pang iba sa direksyon nina Gerry Lopez Sineneng at Dominic Zapata.

https://bandera.inquirer.net/313354/alden-feeling-nostalgic-nang-makatrabaho-si-bea-idol-ko-yan-ngayon-kaeksena-mo-na-seryoso-ba-to
https://bandera.inquirer.net/316804/alden-mas-nag-effort-bilang-leading-man-ni-bea-sa-start-up-ph-kailangang-lumebel-kay-kim-seon-ho
https://bandera.inquirer.net/320234/negosyo-tips-ni-alden-huwag-masyadong-maging-emosyonal-kapag-nagdedesisyon-dahil
https://bandera.inquirer.net/310015/bea-nagsimula-nang-mag-taping-para-sa-start-up-promise-sa-fans-may-bongga-siyang-filipino-twist

Read more...