Jameson Blake umamin na sa tunay na relasyon nila ni Heaven Peralejo: I like her, she’s really nice…

Heaven Peralejo at Jameson Blake

NAGLABASAN kamakailan ang chika na nagkakamabutihan na raw ang dalawang Kapamilya stars na sina Jameson Blake at Heaven Peralejo.

Marami naman ang natuwa sa naturang balita na nagsabing bagay na bagay sina Heaven at Jameson at botong-boto sila sakaling totoo nga ang chika tungkol sa kanila.

Magkasama ngayon ang dalawang youngstars ng ABS-CBN sa drama series na “A Family Affair” na pinagbibidahan nina Ivana Alawi at Gerald Anderson.

Sa guesting ni Jameson sa “Magandang Buhay”, nagsalita na ang binata tungkol kay Heaven at nilinaw nga niya ang relationship status nila ng aktres.

“We’re not together. We’re friends. But I’ll say na naging close kami dahil sa ‘A Family Affair,’ magkasama kami doon and I got to know her more,” pahayag ng aktor.


“Kasi alam ko may mga articles na lumalabas na people are saying na we are together, pero we are not together. We’re just friends, we’re good friends,” dagdag pang chika ni Jameson.

Pero aminado naman ang aktor na “gusto” niya si Heaven, “I like her. She’s really nice and my mom knows her also, I know her mom also. We’ve worked together multiple times.”

Ipinagdiinan ni Jameson na wala pa sa priorities niya ngayon ang magkadyowa dahil mas gusto niyang mag-focus muna sa kanyang showbiz career lalo pa’t ang gaganda ng mga projects na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.

“Feeling ko hindi pa ako ready for a commitment. I just want to be stable, I just want to focus on myself muna,” sabi pa ng aktor.

https://bandera.inquirer.net/324820/jameson-blake-itinangging-may-relasyon-sila-ni-heaven-peralejo-were-not-together

https://bandera.inquirer.net/322909/heaven-peralejo-jameson-blake-magdyowa-na-raw-kung-ganyan-ka-kaganda-maraming-aaligid-sa-yo-maraming-manliligaw
https://bandera.inquirer.net/324823/jameson-blake-umaming-naligaw-ng-landas-noon-i-have-something-way-more-important-to-focus-on
https://bandera.inquirer.net/300581/jameson-blake-pinag-ingat-sinamahan-ng-multo-hanggang-maynila

Read more...