Bossing, Pauleen payag agad sa pag-aartista ni Tali: She’s very funny, nakakatawa siya at gusto talaga niya

Vic Sotto, Pauleem Luna at Tali Sotto

HINDI na nga napigilan ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna ang kanilang nag-iisang anak na si Tali sa pagpasok sa mundo ng showbiz.

Kasama nina Bossing at Poleng si Tali sa bagong show nila sa NET25, ang “Love, Bosleng and Tali” na may format na katulad ng weekly drama anthology na “Magpakailanman” at “Maalaala Mo Kaya.”

Sa ginanap na grand mediacon para sa mga programa ng NET25 sa studio ng Eagle Broadcasting Corporation sa Diliman, Quezon City, ay natanong ang mag-asawa kung bakit pumayag sila agad na mag-showbiz na rin ang kanilang unica hija.

“Kapag iyon ang kinalakihan niya, napapanood niya sa TV yung daddy niya, yung mommy niya. Hindi mo maaawat, e!

“Siguro nasa dugo na niya, nasa dugo niya siguro ang magaling na singer, magaling na aktres,” ani Bossing sabay-turo kay Poleng.  “Yung pagka-comedian naman, e, sa kanya pa rin namana.”

Sabi pa ni Bossing Vic patungkol kay Tali, “Kasi behind the camera she’s very funny. Nakakatawa siya, e. And hilig, e! E, alam mo na, kapag ang hilig ng bata, hindi mo maaawat, e, hindi mo mapipigil.

“So ang importante naman, e, nag-e-enjoy siya, enjoy siya sa ginagawa niya, looking forward siya parati kapag may taping kami,” hirit pa ng movie at TV icon.


Chika naman ni Poleng, “And for me, what’s also nice is that we are present du’n sa kumbaga first acting experience niya.

“We can lead her, we can, you know, somewhat protect her. And also I think it is, she’s very fortunate dahil di ba, she’s given this chance to learn from the best!”

“At parang wala namang pagkukumbinsing nangyari,” ani Poleng sabay tawa.

Samantala, noong una ay si Vic lang daw sana ang mapapanood sa “Love, Bosleng, and Tali”, “And then nu’ng nag-meeting sila with NET25, siya lang din mag-isa.

“And then after the meeting sabi niya, ‘O, kasama pala kayo sa show!’ Sabi ko, ‘Ha, kasama kami?’

“’Tapos that’s it, wala namang pag-aalinlangan kasi we know naman that we’re in good hands,” sabi ni Pauleen.

Napapanood ang “Love, Bosleng and Tali” tuwing Linggo, 6 p.m., sa NET25.

https://bandera.inquirer.net/318229/pauleen-bossing-kinakarir-ang-paggawa-ng-2nd-baby-gusto-talaga-naming-magkaroon-ng-kapatid-si-tali

https://bandera.inquirer.net/301778/pauleen-may-tanging-dasal-para-kay-tali-pinuri-ang-pakikipag-usap-sa-security-guard

https://bandera.inquirer.net/311619/pauleen-feeling-naka-graduate-rin-nang-magtapos-sa-nursery-si-tali-binati-ang-lahat-ng-magulang-at-yaya
https://bandera.inquirer.net/306371/bossing-ibinuking-kung-bakit-hindi-pa-uli-nabubuntis-si-pauleen-dasal-ni-tali-magka-baby-sister-o-brother

Read more...