Mukhang mali ang inaasahan ng mas nakararami na dahil sa mga ebidensiyang inilabas ni Raymart Santiago laban sa kanyang misis na si Claudine Barretto ay mananahimik na ang kampo ang aktres.
Pero madiin pa ring naglilitanya ang babaeng abogado ni Claudine, handa raw anumang oras ang kanyang kliyente para sa isang drug test, kahit saan daw ay handang sumailalim sa ganu’ng proseso ang aktres.
Pero kasabay nu’n ay ang kanilang pagsasabi rin na hindi naman pagdodroga ni Claudine na idinidiin ni Raymart ang pinagtatalunan nila ngayon. Ibang isyu raw at hindi ‘yun.
Masyado nang naguguluhan si Claudine ngayon, hindi na niya alam kung aling mga kaso ang kanyang uunahin, idinemanda rin kasi siya ng dati niyang PA.
At hindi na rin niya alam kung alin ang una niyang sasanggahin, masyado kasi siyang naging madaldal nu’ng una, kaya nang bumuwelta si Raymart ay nagulantang siya.
Hindi pala siya battered wife, si Raymart pala ang dapat magreklamo dahil ito ang battered husband, bayolente pala talaga si Claudine sa kanilang mga pinagdaanang away.
Nakakapanghinayang si Claudine Barretto, napakaganda ng oportunidad na pinahulagpos niya sa kanyang mga kamay, anuman ang gawin niya ngayon ay mahihirapan na siyang makabalik sa dati niyang posisyon bilang artista.
May isang kapwa aktres si Claudine na nagtangkang makabalik uli, pero maraming nakakapansin na napakalaki na ng deteryorasyon sa pag-arte nito, wala nang emosyon ay nakalilimot pa ito sa kanyang mga dayalog.
Sana naman ay huwag maranasan ‘yun ni Claudine, sana nga ay magkaroon pa rin siya ng karera, para hindi siya ganyan na sa kawalan ng magagawa sa buhay ay kung anu-ano ang pumapasok sa kanyang isip.
( Photo credit to Google )