Misis ni Vhong napaiyak nang humarap sa media: Pinakasalan ko siya…kaya lalaban ako para sa kanya

Misis ni Vhong napaiyak nang humarap sa media: Pinakasalan ko siya...kaya lalaban ako para sa kanya

HINDI napigilan ng asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista Navarro ang mapaiyak nang maglabas ng saloobin tungkol sa rape case na kinakaharap ng TV host-comedian.

Napakasakit daw para sa kanya ang nangyayari ngayon kay Vhong at ang pagbuhay muli sa mga kasong isinampa ng modelong si Deniece Cornejo laban sa TV host.

Humarap si Tanya sa ilang miyembro ng entertainment media ngayong araw para magbigay ng saloobin tungkol sa pagsuko at pagkulong kay Vhong sa National Bureau of Investigation detention center dahil sa kasong rape na isang non-bailable na kaso.

Aniya, hindi nila inaasahan na makalipas ang walong taon, ay muling mabubuhay ang kasong panggagahasa at ang napakabilis das na paglabas ng warrant of arrest laban sa kanyang asawa.

Inamin ni Tanya na may pagkakataong pinanghihinaan na siya ng loob dahil sa pangyayari lalo na kapag nakakabasa siya ng mga negatibong komento laban sa kanyang mister, “I am not that strong. I only appear strong for Vhong.”

“Takot ako sa mga message na iyon kaya I’d rather not read pero ‘yung mga friends na nagbibigay ng mga mensahe nakatutulong iyon para makapagbigay sa akin ng lakas, kaya sobrang thank you,” sabi ni Tanya.

“Hindi ako pumasok sa commitment na magpakasal sa kanya o makasama siya for nothing.

“Noong nangyari ito mag-boyfriend-girlfriend pa lang kami, nakita ko kung gaano siya nagsasabi ng totoo. Kaya pinakasalan ko pa rin siya. So lalaban ako for him,” ang mariing pahayag pa ni Tanya.

Natatakot naman das sila sa panawagang ilipat si Vhong sa Taguig City Jail mula sa NBI detention center, “I fear for his safety doon, kaya I pray na roon muna siya.”

Samantala, nag-react din si Tanya sa bilis ng mga pangyayari hinggil sa kasong kinasasangkutan ni Vhong, “We suddenly feel attack na parang wala kaming kalaban-laban, kasi nga saan galing?”

Sa tanong kung bakit after eight years ay bigla ngang nabuhay ang kaso,“ I really can’t answer that, ang daming naglalaro sa isip, pero I’m not in the position to answer that. Baka hindi ko mapatunayan iyong sasabihin ko right now pero ang daming naglalaro sa isip ko.”

Ngunit ipinagdiinan ni Tanya na naniniwala pa rin siya sa justice system sa bansa, “Yes of course, kaya nga everytime just imagine the frustration kaya nga parang gulat eh, kasi naniwala ka roon sa justice, at naniwala ka  at umasa kang mararating mo iyong end, ganoon kami lumaban since the very beginning.

“Hindi ka naman mapu-frustrate o hindi ka naman madi-disappoint kung hindi ka naman naniniwala sa justice. So I still believe,” sabi pa ni Tanya.

Nagbigay din siya ng mensahe para sa kalaban ni Vhong, “Ang gusto ko lang sabihin, alam naman nila kung ano ang totoo. Alam nila, so sa akin may kasalanan si Vhong, sa akin. Inamin niya iyon mula noon. So, sa akin siya may atraso. Pinatawad ko iyong tao and for the last eight years bumabawi siya.

“We got married ‘yun ‘yung ano, akala ko ‘yung eights years na iyon na parang tapos na iyong kaso, nagpakasal pa kami, sobrang importante niyon sa akin kasi bumabawi siya and then this happened,” ang lumuluhang pahayag pa ni Tanya.

Nasa kustodiya pa rin ng NBI si Vhong at wala pang itinakdang arraignment kaya hindi pa alam nina Tanya kung hanggang kailan mananatili ang aktor sa NBI.

Nabanggit din ni Tanya na hindi siya umiyak sa harap ni Vhong sa gitna ng kinakaharap nilang pagsubok  “Even dati pero iyon kasi may sarili rin akong galit sa kanya before kasi mixed iyon eh.

“So may galit, kasi nambabae, pero naaawa ka sa kanya at you don’t deserved it. Iyon ang nakikita mong situation. Tapos hindi mo siya iiwan at that point. So ang iyak mo roon halong galit at frustration.

“Pero hindi ko ipinakikita sa iyon. Pero this time hindi ko makuha iyong tapang. Hindi ko ma-contain buong ano talaga, iyak lang kami nang iyak kasi nga ‘yung disbelief, grabe.

“Mas matapang ka kapag alam mong controlled mo ‘yung playing ground, pero this time hindi mo alam kung nasaan ang kalaban tapos tira lang sila nang tira, ganoon iyong feeling.

“Bilin, mabilisang bilin. Lagi kang mayroong…alam ko namang ongoing ito at positive ka naniniwala ka sa justice hindi ka na mapupunta roon sa ‘o kapag nakulong ako…’ no. Pero nandyan na, bigla ang mga bilin sa bahay, sa anak,” pahayag pa ni Tanya.

Nahirapan din daw siya na mag-explain sa kanilang mga anak tungkol sa  nangyari sa kanilang tatay, “Ang tagal kong ini-ready ang sarili ko bago ko sila kausapin, kasi sabi ko na hindi pwedeng hindi ako nakakatapos ako ng sentence na iyak ako ng iyak, bumigay pa rin ako.

“Ayaw ko sanang umiyak sa harap nila kasi gusto kong isipin nila na okay si daddy nila, at okey ako, kaya ko,” aniya pa.

Sa huli, sinabi ni Tanya na naniniwala siyang mapapawalang-sala si Vhong at ilalaban nila na makapagpiyansa ang aktor sa kasong rape para sa pansamantala nitong kalayaan.

 

Related Chika:

Read more...