Richard Gomez ‘wais’ din sa pera, naging milyonaryo sa edad na 20

Richard Gomez 'wais' din sa pera, naging milyonaryo sa edad na 20
IBINAHAGI ng actor-politician na si Richard Gomez ang kanyang naging sikreto kung bakit naging milyonaryo agad siya.

Sa kanyang panayam sa talent manager na si Ogie Diaz ay inamin niya na sa murang edad ay nakaipon agad siya ng pera noong pasukin ang mundo ng showbiz.

Kuwento ni Goma, isa sa mga dahilan kung bakit naging matagumpay ang kanyang karera sa pag-aartista ay ang kanyang naging talent manager na si Doughlas Quijano.

Aniya, dahil raw sa mga experiences nito sa industriya ay nabigyan siya nito ng proper guodance kung paano nga ba palalaguin ang kanyang sarili at napayuhan siya nito na habang sikat pa siya ay matuto na siyang mag-ipon ng kanyang pera.

“Noong time na nag-aartista ako, noong 80s pa lang, lahat ng suweldo na kinukuha ko, ‘yung kalahati nu’n, tinatago ko talaga sa bangko,” saad ni Goma.

Kaya nga raw nabansagan siya noon ng mga kasamahan at kaibigan na “makunat” dahil sa kanyang naging practice ng pag-iipon.

“Talagang makunat po ako, e. So ‘yung kalahati itinatago ko na ‘yun. Tapos ‘yung 50% nu’n, ginagamit ko sa pambayad kung mag mortgage ako, may babayaran akong kotse, bibili ako ng costume ko. ‘Yung matitira doon pambisyo ko na ‘yun, mga motorsiklo ganu’n,” pagpapatoy ni Goma.

Kaya naman hindi na kataka-taka nang aminin nito na sa edad na 20 ay naging milyonaryo na siya at lahat ‘yun ay nagmula sa kanyang mga kinita sa showbiz.

Talaga namang hangang-hanga rin si Ogie sa galing ni Goma sa paghawak sa pera at sa mga pinapasok nitong mga investments.

Ang una nga raw niyang naipundar ay isang bahay na naibenta rin n’ya nang bumili siya ng property sa Greenhills kung saan sila tumira ng asawang si Lucy Torres.

Muli na naman raw silang nag-ipon ng pera kaya naman nakabili na rin sila after ng bahay sa Forbes Park.

“Year 2000 nakabili ako ng bahay sa Forbes. E medyo mahal. Sabi ko ‘Parang kinakabahan ako, kaya ko ba ‘to? If we don’t buy it now. We’ll not be able to buy it anymore,” sey pa ni Goma.

Kaya naman pikitmata ay binili na ito ng actor-politician at pinarentahan ang bahay habang sa Greenhills sila nakatira.

“One of the best investments talaga is real estate,” chika pa ni Goma.

Nagbigay naman ng payo ang dating matinee idol sa mga artista sa panahon ngayon.

“Kapag sikat ka lalo na pag mainit ka na artista, ambilis ng pera. Kapag hindi ka marunong mag-ipon, maliligaw ka ng landas talaga. Biglang dadami ang barkada mo.

“Kung kaya mong mag-ipon, ipon ka then pundar ka ng bahay. Kasi yung bahay kapag nabili mo na yan, gamitin mo na hanggang sa tumanda ka, hanggang sa magkaanak ka.”

Related Chika:
Payo ni Goma kay Juliana: Kung pipili ka ng boyfriend, huwag kang pumili na katulad ni Richard Gomez

Lucy Torres maraming natutunan nang magka-COVID si Goma: Para akong nanay niya…

Lucy kay Goma: Alam mo, kaming mga asawa nakakaamoy ng mga aswang…

Read more...