Marjorie ayaw nang patulan ang mga hugot ni Dennis, mas piniling pasayahin si Julia: I love you, I’m so proud of you

Julia Barretto at Marjorie Barretto

SA gitna ng panibagong kontrobersya sa pagitan ng kanyang mga anak at sa kanilang amang si Dennis Padilla, mukhang mas pinili na lamang ni Marjorie Barretto ang manahimik.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang sagot si Marjorie sa naging reaksyon ni Dennis patungkol sa panayam ni Karen Davila kay Julia na mapapanood sa vlog nito sa YouTube.

Sa halip, muli niyang ipinaramdam kay Julia ang kanyang pagmamahal at pagsuporta bilang isang ina. Aniya, super proud siya sa dalagang anak at feeling blessed na siya ang naging ina nito.

Nag-share si Marjorie ng litrato ni Julia sa Instagram na may caption na, “Dearest Jul, I LOVE you with the kind of love that you can trust.

“Love that you can depend on, and the kind that will protect you and never betray you.

“Maybe you need to hear this today… I am so proud of you, Juli. I am so blessed to be able to call you my child,” mensahe pa ni Marjorie sa anak nila ni Dennis.


Makahulugan pa niyang mensahe kay Julia, “Here we go again, back in our family bubble shutting off the noise outside. Only choosing to be grateful for the good things that is in front of us. Remember Jul, God is all knowing.”

Samantala, burado na ang mga kontrobersyal na post ni Dennis sa IG patungkol sa sama ng loob na naramdaman niya nang mapanood ang panayan ni Karen kay Julia.

Kinontra ni Dennis ang sinabi ni Julia na hindi raw siya makatakbo sa ama noong kailangang-kailangan nila ng tulong. Aniya, siya pa raw ang gumagawa ng paraan nu’ng panahong palipat-lipat sila ng bahay.

“Ako ang dapat takbuhan mo Julia…. I defended you pero nagalit pa kayo sa akin… Sobra kayo… Ano etong mga kwento mo kay Karen??” sabi ni Dennis sa kanyang IG post.

Dagdag pa niya, “Ang buong bahay ko… Ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo Julia. Ano pang revenge ang gusto niyong gawin?

“Lahat ng blessings nasa inyo na… Humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko.. Ano pa gusto nyo?…Pati kay Gerard (Anderson) humingi ako ng apology… Ano pa?” himutok pa ni Dennis.

Inamin naman ni Julia na nag-effort naman talaga ang ama para magkasundo sila, “I won’t lie, I mean, he’s tried. I’m just really not ready. I don’t wanna force myself also.

“Because if you force yourself, then it’s not genuine, hindi siya totoo. So, I want to get to a point na when we speak, it’s when I’m ready,” sabi ni Julia.

Banta ni Marjorie sa mga naninira kay Julia: Buhay na buhay pa ang nanay niya!

Julia tinulungan si Marjorie para makapagtapos ang kapatid sa magandang school

Dennis may open letter din para kay Leon, hiling na makasama muli ang anak: I regret all the times I hid my feelings from you…

Marjorie naglabas ng ‘resibo’ para patunayang magdyowa pa rin sina Gerald at Julia; balitang naghiwalay na ‘fake news’

Read more...