Promise ni Mavy Legaspi kay Kyline Alcantara: ‘No matter what you decide, I will never leave your side’

Mavy Legaspi at Kyline Alcantara

NAG-VIRAL at mayroon nang mahigit 5 million views sa TikTok ang kauna-unahang episode ng “MavLine On Me” podcast ng Sparkle loveteam na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Nakuha rin nito ang 7th spot sa Top 10 Spotify Philippines’ Top Podcast chart.

Siguradong isa sa mga dahilan ng paghamig ng milyun-milyong views ng podcast ng magkarelasyon ay ang pagiging totoo nila sa kanilang mga sarili pati na rin sa mga fans.


Sa nasabing podcast, tinanong ni Kyline kung bakit siya hinintay ni Mavy for two years at ang sagot ng binata, “Cause I’ve been telling you in those two years how meaningful of a person you are.

“Kyline knows once I say something and I promised it, I never break it. And one of the promises I said was no matter what you decide, I will never leave your side,” sabi ng kakambal ni Cassy Legaspi.

Hindi sila noon nag-usap for a few months dahil pinili ni Mavy na tutukan ang kanyang well-being.

Pero pag-amin niya, “I still kept my promise because without her knowing, I was messaging the people around her checking only on her.”

Kinilig ang maraming netizens sa rebelasyon na ito ni Mavy at komento nga ng isang fan, “Grabe ‘yun Mavy. I hope dumami pa ang katulad mo,” at “Omg ang swerte ni Kyline, sobrang green flag ni Mavy. Sana all.”

Subaybayan at huwag pahuhuli sa marami pang nakakakilig na usapan sa “MavLine On Me” podcast now streaming on Spotify.

Samantala, patuloy pa ring napapanood sina Mavy at Kyline tuwing Linggo sa “All-Out Sundays” ng GMA 7.

* * *

Kapana-panabik ang bawat eksena sa nalalapit na pagtatapos ng GMA Afternoon Prime drama series na “The Fake Life.”

Sa huling Linggo, malalaman na kung saan magtatapos ang kwento ng programang pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Ariel Rivera, at Sid Lucero.

Habang lumalala ang sakit ni Onats (Ariel) at unti-unti na itong nawawalan ng pag-asa, gusto na ni Mark (Sid) na makaalis ng bansa kasama ang mga anak na sina Jaycie (Shanelle Agustin) at Jonjon (Carlos Dala).

Malalaman kaya ni Cindy (Beauty) ang totoong kalagayan ni Onats? O maiiwang mag-isa si Onats?

Patuloy na tutukan ang mga eksena sa nalalapit na pagtatapos ng “The Fake Life,” Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. pagkatapos ng “Return To Paradise” sa GMA Afternoon Prime.

https://bandera.inquirer.net/299786/megan-nadala-ng-emosyon-naisip-ko-paano-nga-kung-maghiwalay-kami-nakakaiyak
https://bandera.inquirer.net/308509/carmina-gelli-janice-candy-solid-na-solid-pa-rin-ang-friendship-lahat-talaga-kami-super-daldal
https://bandera.inquirer.net/305586/heart-ayaw-ipagsiksikan-ang-sarili-nagmumukha-lang-akong-nagpipilit-so-i-decided-to-be-myself
https://bandera.inquirer.net/309074/mike-enriquez-successful-ang-kidney-transplant-balik-trabaho-na

Read more...