Michelle Aldana sa pagbabalik-showbiz: It’s an honor na masampal at masabunutan ko si Ms. Jean Garcia!

Jean Garcia at Michelle Aldana

MAKALIPAS ang mahigit dalawang dekada, nagbabalik-showbiz na nga ang aktres at dating beauty queen na si Michelle Aldana.

Tinalikuran ni Michelle ang entertainment industry noong 1998 para mamuhay nang normal sa ibang bansa at bumuo ng sarili niyang pamilya.

Pero after more than 20 years nga ay muling mapapanood ang aktres na kinoronahang Miss Asia Pacific 1993, sa telebisyon sa pamamagitan ng upcoming Kapuso series na “Nakarehas Na Puso”.

Makakasama niya rito ang award-winning actress na si Jean Garcia na isa sa mga hinahangaan niyang kontrabida sa mga teleserye at pelikula kaya naman feeling blessed siya na makasama ito sa kauna-unahan niyang teleserye sa GMA.


Sabi pa nga ng former beauty queen, itinuturing niyang isang karangalan na masampal at masabunutan niya si Jean sa mga eksena nila sa “Nakarehas Na Puso” na mapapanood na sa September 26, sa GMA Afternoon Prime.

“It’s an honor na masasampal at masasabunutan ko si Miss Jean Garcia. It was really terrifying for me, yun ang word, kasi natakot ako. Hindi pa ako nakipagsampalan nang ganyan.

“The last time yata na nakipagsampalan ako was with Miss Sharon Cuneta. Itong si Miss Jean, e, pinapanood ko nga yung Lolong at saka napanood ko siya dati as Claudia,” ani Michelle sa presscon ng “Nakarehas Na Puso” last September 15.

Matatandaang nagkasama sina Michelle at Sharon sa pelikulang “Wala Nang Iibigin Pang Iba” na ipinalabas noong 1997 under Viva Films.

Si Jean naman ay gumanap bilang Claudia Buenavista sa serye ng ABS-CBN na “Pangako Sa ‘Yo” noong 2000.

Sey pa ni Michelle, “So, may kaba, pero as I’ve said, napaka-supportive talaga niya..Tinuruan niya ako kung paano kami hindi magkakasakitan at kung papaano namin madadaya sa kamera.

“So, I’m really really grateful kasi talagang I feel I’m in safe hands kay Jean,” lahad pa ni Michelle.

Pahayag pa ng aktres sa kanyang pagbabalik-showbiz, “Marami naman mga project na ipinapasok dati pa, pero nang ibigay sa akin ito, nabasa ko yung synopsis. Nakita ko yung role.

“Sabi ko, ito na talaga. It’s very challenging kasi hindi pa ako nakaarte ng isang kontrabida na sobrang kontrabida, and this is my first teleserye.

“Noong umalis ako, telemovies pa lang. Tapos ito, ang haba. Makikita mo talaga ang back story ng bawat karakter. So, sabi ko, gusto ko ito. Maganda ito, subukan na natin.

“At saka time na rin kasi malalaki na rin yung mga anak ko. Pupuwede na akong magpabalik-balik. Meron talagang time sa lahat at ito na siguro ang oras,” aniya pa.

Feeling ba niya, tuluy-tuloy na ang kanyang acting career? “I look back kasi kailangan naman natin makita yung history para matuto tayo, pero I always take one step forward at nakatingin ako sa hakbang ko.

“Sa present moment muna ako. Titingnan ko muna at ini-enjoy ko. We’re still taping. Marami akong natututunan,” tugon ni Michelle.

https://bandera.inquirer.net/324251/two-weeks-straight-wala-akong-ginawa-kundi-iyak-lang-nang-iyak

https://bandera.inquirer.net/287200/bwelta-ni-jean-kay-alwyn-respeto-lang-ang-hinihingi-ko-sa-yo-just-saying
https://bandera.inquirer.net/295872/jean-garcia-may-crptic-quote-kasabay-ng-muling-pagbabalikan-nina-jennica-at-alwyn

https://bandera.inquirer.net/311920/michelle-dee-humakot-ng-special-awards-sa-preliminary-competition-ng-miss-universe-ph-2022

Read more...