PINATUTSADAHAN nga ba ni Vice Ganda ang dating Kapamilya singer na si Zephanie Dimaranan sa grand finals ng “Idol Philippines” season 2?
Viral ngayon ang isang eksena sa naganap na final showdown ng “Idol Philippines” kagabi, September 18, kasabay ng pagiging top tending topic sa Twitter ng mga pangalan nin Vice at Zephanie.
Ang paniwala ng mga manonood, pinaringgan at inokray daw ni Vice si Zephanie nang mag-guest siya sa grand finals ng singing search ng ABS-CBN.
Nagkaroon ng production number ang Phenomenal Box-office Star sa nasabing programa bilang dating hurado at bilang bahagi na rin ng promo para sa pagsisimula ng second season ng kanyang sariling game show na “Everybody Sing.”
Pagkatapos mag-perform, tsinika siya ng host na si Robi Domingo at hiningan ng mensahe para sa bagong hihiranging “Idol Philippines” grand winner.
Pahayag ng TV host-comedian, “Sa bagong hihiranging grand Idol winner, sana maraming magbukas na opportunities sa ‘yo.”
Sa bahaging ito, biglang tumigil si Vice at natatawang nag-dialogue ng, “Sana mag-stay ka muna dito sa network na ‘to.”
Kitang-kita sa TV ang mga “Idol” judges na sina Moira dela Torre at Regine Velasquez na nagtakip ng bibig nang marinig ang birong pahayag ni Vice. Nagtawanan din ang studio audience.
Sey naman ni Robi, “Whatever happens, Kapamilya forever.”
Pagpapatuloy na mensahe ni Vice, “Hindi, sa mananalo at pati sa lahat ng mga sumali at nagsimula na ang kanilang singing career, tapangan ninyo.
“Tapangan ninyo. Kasi, lahat maraming talent, pero hindi lahat matapang kaya bumibigay agad sa napakaraming pagsubok na haharapain ninyo.
“Hindi easy ang showbiz, ha. Hindi ito easy money. Akala nila easy money. Ang dami mong isasakripisyo dito at lahat ‘yon kailangan may kasamang tapang. Tapangan ninyo,” sabi ni Vice.
Hindi binanggit ni Vice ang pangalan ni Zephanie sa kanyang mensahe pero sigurado raw ang mga netizens at televiewers na si Zephanie ang tinutukoy niya dahil nasa GMA 7 na ang dalaga na siyang naging grand champion sa “Idol Philippines” Season 1 noong 2019.
Isa nga si Vice sa naging hurado noon ng reality-based singing competition ng ABS-CBN kung saan nakasama niya sina Regie, Moira at James Reid.
Tatlong taong nanatili bilang Kapamilya si Zephanie matapos magwagi sa “Idol Philippines.” Contract artist na siya ngayon ng Sparkle ng GMA at regular na napapanood sa “All-Out Sundays.”
Ang itinanghal namang champion sa season 2 ng “Idol Philippines” si Khimo Gumatay.
https://bandera.inquirer.net/302428/zephanie-ibang-iba-ang-naging-selebrasyon-ng-pasko-pero-ngayon-lang-uli-kami-nagpalitan-ng-regalo
https://bandera.inquirer.net/285052/idol-ph-zephanie-dimaranan-binago-ang-look-umaming-crush-sina-inigo-at-darren
https://bandera.inquirer.net/309639/idol-philippines-winner-zephanie-ganap-nang-kapuso
https://bandera.inquirer.net/297458/idol-ph-champion-handa-nang-sumabak-sa-akting-pangarap-makatrabaho-ang-gold-squad