Markus Paterson kay Janella Salvador: I will love her forever, she has given me the best gift of my life... Bandera

Markus Paterson kay Janella Salvador: I will love her forever, she has given me the best gift of my life…

Ervin Santiago |September 19,2022
share this

Markus Paterson kay Janella Salvador: I will love her forever, she has given me the best gift of my life…

Ervin Santiago - September 19, 2022 - 09:59 AM

Markus Paterson, Janella Salvador at Baby Jude

“WAG asyumera!” Yan ang panawagan ng controversial Kapamilya actor na si Markus Paterson sa mga “Marites” na nakasubaybay sa kaganapan sa kanyang personal life.

Ito’y matapos umani ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang pipol ang naging pahayag niya tungkol sa mga natutunan niya pagdating sa pakikipagrelasyon.

Pinag-usapan talaga ang unang episode ng digital talk show na “Boys After Dark” kung saan diretsahan niyang sinabi na huwag na huwag makipag-date ang isang celebrity sa kapwa celebrity, base na rin sa naging experience niya in the past.

Kaliwa’t kanang pambabatikos ang natanggap ng binatang ama mula sa mga nakapanood ng kanyang video, partikular na sa mga fans ng ex-partner niyang si Janella Salvador at nanay ng anak niyang si Jude.

Sa second episode ng “Boys After Dark”, pinanindigan pa rin ni Markus ang mga naging hugot niya tungkol sa pakikipagrelasyon.

“Going back to episode one and the recent backlash of that, I would like to keep this short and sweet…

“If I could go back in time and change what I said, honestly, I would not.

“I stand by what I said because what I said comes from my past, from my truth, and that’s my honest opinion about my future potential relationships. Yun lang yun,” paliwanag ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Markus Paterson (@markus)


Ito naman ang mensahe ni Markus sa mga bashers na nagalit dahil feeling nila ay si Janella ang pinatutungkulan niya sa kanyang mga pinagsasabi.

“Secondly, huwag kayong mag-assume. Okay? Let’s not jump to conclusions or anything because you kinda are.

“Thirdly, I respect Janella to the utmost of my ability, the woman that she has become, the mother that she has become.

“I will love her forever. She has given me the best gift of my life. Yun lang,” lahad pa ng aktor.

Muling nakasama ni Markus sa “WTF Moments and Deepest Regrets in Life” vlog ng “Boys After Dark” sina Anthony Jennings, Jae Miranda, Gello Marquez at Aljon Mendoza.

Samantala, nabanggit din ni Markus sa nasabing vlog na ang desisyon niyang iwan ang ama sa United Kingdom para pasukin ang shiwbiz sa Pilipinas ang isa sa “biggest regret” niya sa buhay.

Kasunod nito, ipinagdiinan ni Markus na maayos ang relasyon nila ni Janella at maganda ang pakikitungo nila sa isa’t isa bilang magulang ni Jude.

“Me and Janella, we are good. We are friends. We are co-parenting because, obviously, our priority is Jude. She’s an amazing mother and I’m trying to be an amazing father.

“The fact that she’s the one that gave him to me, I will never not love her. Maybe not romantically anymore but she will always be a huge part of my heart,” aniya pa.

Markus Paterson mas bet ang morena, may hugot sa ‘TOTGA’

Markus Paterson ‘almost a year’ nang hiwalay kay Janella: Our only priority is Jude

Janella, Markus madalas daw mag-away noong magka-live in pa, naririnig mismo ng mga kapitbahay

Markus Paterson ‘bugbog’ sa netizens matapos mag-dialogue ng, ‘Never to fu*king date someone in the industry!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending