May ‘Luv U’ (2)

Sulat mula kay Susie, ng Banga, South Cotabato
Problema:
1.     Ang sabi ng mister ko, kaibigan lang daw niya ang textmate niyang babae.  Pero, nang matunton ko ang iba pang natanggap na text ng mister ko mula babaing iyon, bakit may “luv u?”  Gusto kong gerahin ang asawa ko pero natatakot ako na baka lumayas siya.
2. Natatakot ako na baka isang araw, bigla na lang niya kaming iwanan. Ano po ba ang dapat kong gawin? May posibilidad po ba na mahiwalay ako sa aking asawa? Sa ngayon po pinapangibabawan talaga ako ng takot at pag-aalala, sana matungan nyo po akong mapanumbalik ko ang dating pagmamahal sa akin ng mister ko? May 14, 1980 ang birthday ko at September 12, 1979 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Susie, ng Banga, South Cotabato
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign ninyo ay nagsasabing sadyang tugma at compatible kayo. Kaya kahit ano pa ang mangyari, halimbawa ngang tuluyang naging “babae” ni mister ang textmate niya, wala pa ring problema, dahil sa bandang huli, nakatakda pa rin ang hamabuhay na pagsasama ninyo.
Numerology:
Halos ganon din ang ipinapahiwatig ng birth date ninyo. Ang totoo, kapag pinagsabihan mo siya ng seryoso o halimbawa ay pinamili mo siya, ikaw parin ang pipiliin niya at lagi niyang ikakatuwiran na ikaw ang mas mahal niya. Ganon yon, wala lang magawa ang mister mo kaya siya nakikipag-text mate pero ang totoo hindi nya magagawang iwanan ang inyong pamilya.
Graphology:
At para hindi tuluyang mawala sa iyo ang iyong mister, bahagyang inobasyon ng lagda ang dapat. Imbis na ipaloob sa bilog, alisin mo ang malaking bilog sa iyong lagda. Magagawa mo kung hindi mo na ibabalik pakaliwa ang dulong bahagi ng letrang “a” sa iyong pirma, sa halip, diretso lang patungong kanan. Sa ganyang lagda, magiging maligaya ka na hindi lang sa love life kundi sa lahat ng aspeto ng buhay.
Huling payo at paalala:
Susie, ayon sa iyong kapalaran, wala kang dapat ikatakot o ikapangamba sa kasalukuyang sitwasyon, dahil sa bandang huli, lilipas din ang pakikipag-text ng  iyong mister, at makikita mo, muling magiging sweet sayo ang iyong asawa, hanggang habang buhay na uling maging buo ang happy ang inyong pamilya.

Read more...