MAJA huling-huli daw si GERALD na may kasamang ibang babae sa condo

NAHULI raw ni Maja Salvador si Gerald Anderson na may kausap na young pretty girl sa looby ng isang condo. Well, that’s according to a blind item we recently read in a very popular website.

Although blind item ang pagkakasulat, it can be deduced that it was referring to the couple. Nagkaroon nga raw ng confrontation scene during that incident but we don’t know how it ended.

Apparently, nawalan na ng tiwala si Maja kay Gerald. But isn’t she, a few weeks ago yata, the one professing her love for Gerald at nagpapakatatag dahil ang daming intriga na dumadating sa kanilang relasyon?

Well, tila iba ang lumalabas sa bibig ni Maja sa ginagawa niya. Is Maja the insecure type? Kung merong other woman si Gerald, why is she still holding on to the relationship?

Takot ba siyang pagtawanan ni Kim Chiu o ni Sarah Geronimo kaya kahit alam niyang niloloko siya ni Gerald ay nagpapakamartir na lang siya?

Nu’ng una pa lang kasi parang hindi na tama ang relasyon nila, di ba? Simula pa lang marami na ang against sa kanila, lalo na nang magkagalit sila ng ex BFF niyang si Kim.

Let’s just wait kung kailan aamin si Maja sa real score sa kanila ni Gerald.

( Photo credit to Google )

Read more...