Julia sa away nina Marjorie, Gretchen at Claudine: I really hope that one day, maaayos iyon

Julia Barretto at Marjorie Barretto

NANINIWALA ang aktres na si Julia Barretto na may pag-asa pang magkaayus-ayos ang kanyang nanay na si Marjorie at mga kapatid nitong sina Gretchen at Claudine Barretto.

Ito’y sa kabila nga ng matitinding kontrobersyang pinagdaanan ng Barretto sisters na talagang pinagpiyestahan ng publiko at naging national issue pa nga.

Sa bagong YouTube vlog ni Karen Davila, natanong si Julia kung umaasa pa siya na magkakabati at muling magkakasundo ang nanay niya at ang kanyang mga tiyahin kahit pa napakalalim ng hugot ng magkakapatid para sa isa’t isa.

“I think it affects me for my mom, because I know how much she loves her older sister as well and the bond that they really had. Before, they were really inseparable,” pahayag ni Julia.


Dagdag pa ng girlfriend ni Gerald Anderson, “Growing up, nakita namin ‘yun. I really hope that one day, maaayos iyon.”

Ang pinakakontrobersiyal na bakbakan nina Marjorie, Gretchen at Claudine ay nangyari sa burol ng yumao nilang amang si Miguel Barretto noong October, 2019. Hindi lang ang kanilang mga kapamilya ang nakasaksi rito kundi pati ang dating Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa lamay.

Noong bisperas ng Bagong Taon, nagkaroon ng reunion ang Barretto family para salubungin ang 2022. Pumunta roon si Julia kasama ang mga kapatid at si Marjorie. Naroon din si Claudine, pero wala si Gretchen.

Pagpapatuloy ni Julia sa panayam ni Karen, “Even after things have been said and done, I just feel like the fact that it was painful for each other, it means there was love in the first place.

“I feel like there’s hope. If I’m affected, it’s for my mom, because I do know how much love she has for them,” dagdag ng dalaga.
https://bandera.inquirer.net/284432/banta-ni-marjorie-sa-mga-naninira-kay-julia-buhay-na-buhay-pa-ang-nanay-niya

https://bandera.inquirer.net/286282/julia-tinulungan-si-marjorie-para-makapagtapos-ang-kapatid-sa-magandang-school
https://bandera.inquirer.net/316992/dennis-may-open-letter-din-para-kay-leon-hiling-na-makasama-muli-ang-anak-i-regret-all-the-times-i-hid-my-feelings-from-you
https://bandera.inquirer.net/303599/gretchen-claudine-maayos-ang-relasyon-you-are-the-most-beautiful-to-me-my-love

Read more...