Richard Gomez tumangging magbida sa ‘Scorpio Nights’: Hindi ko kaya kasi maghuhubo ako…

Richard Gomez

KNOWS n’yo ba na ang kauna-unahang pelikulang in-offer kay Richard Gomez noong pumasok siya sa showbiz ay ang classic sex-drama na “Scorpio Nights”?

Isa ang award-winning actor-politician sa mga male stars noong dekada 80 na talaga namang sumikat nang bonggang-bongga sa mundo ng telebisyon at pelikula.

Naikuwento ni Congressman Richard ang pagsisimula ng kanyang showbiz career sa panayam ni Ogie Diaz na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Dito nga niya naibahagi na ang unang project na in-offer sa kanya ay ang mapangahas na pelikulang “Scorpio Nights” na ipinalabas noong 1985.

Pero tinanggihan ito ng mister ni Lucy Torres-Gomez. Una raw inalok ang naturang movie kay Gabby Concepcion pero hindi rin ito tinanggap ng dating matinee idol.

Simulang pagbabahagi ni Richard, taong 1983 nang maka-graduate siya sa high school at talagang plano raw talaga niya ang tapusin ang kanyang college.


Pagsapit ng summer vacation ng 1983, pumasok siya bilang service crew sa isang kilalang fast-food chain store.

“So, nag-apply ako sa McDonalds hanggang sa nag-aral ako sa college. Sa PUP ako nag-aaral,” chika ni Goma.

Nang ma-expire ang kontrata niya sa fast-food chain ay nag-concentrate na siya sa pag-aaral. At nang minsang dumalaw siya sa shooting ng pelikulang ginagawa ng stepsister niyang si Pinky Suarez ay nakilala niya ang sikat na talent manager, ang yumaong si Douglas Quijano.

Si Douglas ang naging daan para makapasok si Richard sa mundo ng showbiz. Ang iba pang alaga ni Tito Douglas noon ay sina William Martinez, Aga Muhlach at Herbert Bautista.

Nu’ng una ay ayaw talagang mag-artista ni Richard, “Ayoko. Gusto ko lang magmodelo kasi nakagawa na ako ng Rexona, Close-Up commercials. Modelo lang ako.”

“Pero, hindi napagod si Douglas sa pagkumbinsi sa akin,” sey ni Richard.

Isang araw daw, ipinakita ni Goma sa yumaong talent manager ang laman ng wallet niya, “Bente pesos ang pera sa wallet ko. Sinabi ni Douglas na malaki ang suweldo sa pag-aartista.”

Kasunod nito, pumayag na si Richard na pasukin ang showbiz. Ipinakilala siya ni Douglas kay Mother Lily Monteverde ng Regal Films.

“Sabi ni Douglas, ‘Mother, puwede ba ito na lang kunin nating artista?’ Sabi ni Mother Lily, ‘Sige, sige, bigay niyo yung script.’ Ibinigay yung script sa akin.

“Binasa ko. Sabi ko, ‘Ang bigat nito, hindi ko kaya,’” aniya pa na ang tinutukoy nga ay ang script ng “Scorpio Nights” na pinagbidahan nina Daniel Fernando, Anna Marie Gutierrez at Orestes Ojeda.

Ang role na gagampanan sana niya ay ang role ni Daniel, “Sabi ko, ‘Dougs, hindi ko kaya ito. Maghuhubo ako dito.’”

Nagkausap sila uli ni Mother Lily at sinabi ni Douglas na hindi niya kayang gawin ang project, “Sabi niya (Mother Lily), ‘Si Gabby Concepcion ayaw niyang gawin yung Inday Bote. Ni-refuse ni Gabby yung Inday Bote.”

Ang “Inday Bote” ay ang fantasy-comedy movie na pinagbidahan nina William Martinez at Maricel Soriano noong 1985 at dito nga ipinakilala si Richard.

“Sabi ni Mother, ‘Ikaw, ito, ito ito. Ikaw gumawa noon.’ Sabi ko, ‘Ano yun?’ Comedy. Sabi ko, ‘Yan. Okay, ako diyan’

“’Tapos right then and there, nu’ng gabi, binigyan ako ng kontrata ni Mother Lily,” sey ni Goma.

Shookt daw ang aktor nang malamang babayaran siya ng Regal Films ng P25,000 para sa nasabing project, “Sabi ko, ang laking diperensiya nu’ng P20 sa P25,000.

“Ang sarap mag-artista. Sabi ko, ‘Mag-aartista na ‘ko.’ Yun na yung naging career ko,” kuwento ng premyadong aktor.

https://bandera.inquirer.net/317462/scorpio-nights-3-nina-christine-bermas-at-mark-anthony-fernandez-mas-pasabog-ang-hubaran-at-sex-scenes

https://bandera.inquirer.net/311115/aj-raval-isinakripisyo-ang-pagbibida-sa-scorpio-nights-para-muling-makapag-aral-bawas-na-rin-sa-paghuhubad

https://bandera.inquirer.net/319926/christine-bermas-nag-frontal-sa-scorpio-nights-3-naiyak-sa-presscon-mark-anthony-nagpakita-ng-pagkalalaki
https://bandera.inquirer.net/317317/christine-bermas-walang-naramdamang-awkwardness-kina-mark-anthony-fernandez-at-gold-aceron-sa-scorpio-nights-3-bet-makapareha-si-joshia-garcia

Read more...