Lolo na na-stroke nabigyan ng ‘F.A.S.T. method’ ng apo na natutunan niya sa serye nina Kathryn at Daniel

Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Camille de Chavez at Lolo Esing

LABIS na nagpasalamat ang netizen na si Camille De Chavez matapos niyang makumpirmang na-stroke ang lolo niya at naitakbo sa ospital nang magamit niya ang ginawang F.A.S.T method ng karakter ni Kathryn Bernardo na si Ali sa “2 Good 2 Be True.”

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng bumubuo ng show kasi nakatulong po kayo. Hindi lang siya nakaka-entertain ng tao, natulungan niyo kami na maaksyunan agad yung nangyari kay Lolo Esing,” mensahe ni Camille.

Ayon sa kanyang kwento, “Nadała namin siya sa ospital noong September 5 nang malaman namin na na-stroke siya. 

“Ginamit ko kasi yung F.A.S.T method at noong nakita ko yung signs dinala na namin siya. Naka-confine naman siya agad.

“Nakalabas lang siya last Friday (September 9) at on-going pa rin yung check-ups niya,” sabi ni Camille.

Ang nasabi kasi na F.A.S.T method ay makakatulong sa pag-alam ng sintomas ng stroke tulad ng facial drooping, panghihina ng braso, at speech difficulty.

Nagpaabot naman ng mensahe sina Kathryn at Daniel Padilla kina Camille at Lolo Esing. Nagpadala naman ng fruits at letter ang mga bumubuo ng hit primetime show.

Ani ni Kathryn, ang mga tulad ni Camille ang dahilan kung bakit pinagbubuti nila ang paggawa ng palabas.

Isa nga ito sa layunin ng ABS-CBN na hindi lang makapagpasaya kundi makapagbigay serbisyo sa mga kapwa Filipino.


“Noong una ko siyang nakita sobra akong na-touch kasi yun naman ang gusto naming mangyari salahat ng shows namin sa ABS-CBN, ang makatulong at maging helpful yung ginagawa namin,” komento ni Kathryn.

Samantala, labis na kinakiligan ng manonood ang episode nitong Biyernes (Setyembre 16) nang naging opisyal na magkasintahan sina Ali at Eloy (Daniel).

Napigilan nga ni Ali ang pag-alis nina Eloyat Fred nang kinausap ng dalaga ang ama ni Eloy. Dumagdag pa ang nalaman nilangmay nag-aabang na sakanila sa Bicol.

Ngayon hindi natuloy ang alis ni Eloy, ano naman kaya ang mga balak gawin ni Helena (Gloria Diaz)?
Huwag palampasin ang bawat eksena sa “2Good2BeTrue” at panoorin ito ng advance sa Netflix Philippines o iWantTFC. 
https://bandera.inquirer.net/280113/andrea-nanghinayang-na-hindi-inimbita-si-seth-sa-burol-ng-kanyang-lolo
https://bandera.inquirer.net/323700/pag-unfollow-nina-diego-loyzaga-at-franki-russell-sa-instagram-its-a-prank-lang-epektib-daw-sa-method-acting
https://bandera.inquirer.net/315937/dennis-tumulong-sa-pagpapagamot-sa-na-stroke-na-nanay-ni-abdul-raman-grabe-nakaka-touch-po-talaga
https://bandera.inquirer.net/289204/starstruck-graduate-abdul-raman-nag-aalala-pa-rin-sa-inang-na-stroke-kapuso-stars-tumulong-sa-pagbabayad-sa-ospital

Read more...