Andrea del Rosario ‘feeling virgin’ uli sa pakikipag-love scene kay Kych Minemoto sa ‘May December January’

Andrea del Rosario at Kych Minemoto

HINDI nagdalawang-isip ang aktres at original member ng all-female group noong Viva Hotbabes na si Andrea del Rosario na muling sumabak sa pagpapaseksi at paghuhubad.

At in fairness, bagets ang katambal at ka-love scene ngayon ni Andrea sa latest offering ng Viva Films na “May December January” – si Kych Minemoto.

Sa nakaraang virtual mediacon ng nasabing pelikula, natanong ang aktres kung ano ang feeling na bata ang katambal at kachurvahan niya sa bagong pelikula na idinirek ni Mac Alejandre.

“Feeling virgin uli!” ang tawa nang tawang one-liner answer ni Andrea. “Alam ni Direk ‘yan kasi it’s been a while but, kumbaga, ibinigay ko na lang talaga yung tiwala kay Direk because baka hindi ko nga magawa. So, I’m happy naman that I did.”


Ayon pa sa aktres, agad niyang tinanggap ang proyekto dahil bukod nga kay Direk Mac, napakaganda rin daw ng kuwento nito na mula sa panulat ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee.

“I always say that this is once in a lifetime opportunity. I don’t know if I’d be able to be offered a project like this ever again.

“I’m very, very grateful. I’ve been in the business for almost thirty years. I’ve never been offered ng siguro ganitong kalaking project until Boss Vic del Rosario called me. Direk Mac was also there with Sir Ricky Lee.

“Alam naman natin na may golden touch si Boss Vic na hanggang ngayon, tinatawag pa rin ako na Lupe,” ani Andrea na ang tinutukoy ay ang launching movie niya na ipinalabas noong 2003.

“And when he called me for this movie, I just had to say yes. There’s no other option. I’m just grateful that I’m in a project like this,” aniya pa.

Samantala, tuwang-tuwa naman si Direk Mac nang malamang sa sinehan ipalalabas ang “May December January”.

Ang alam daw kasi niya ay sa Vivamax streaming site ipalalabas ang bago niyang pelikula, “Ang pagkakaalam namin dati, sa Vivamax ipalalabas. Napanood nila (mga bossing ng Viva), ipinalabas yung trailer.

“Nagkaroon ng positive reaction sa trailer, napanood ng mga taga-Viva, and then I got a call from them telling me na cinema release na ang pelikula that made me extremely happy,” sabi pa ng direktor.

Sey pa ni Direk, si Andrea raw talaga ang first choice nila sa “May December January” para gumanap bilang isang ina na isinakripisyo ang sariling kaligayahan para sa kanyang anak.

“Si Andrea ang unang na-cast. She was the only choice to play the mother. Kasi ang requirement, hindi lang yung what we term as hot mama.

“Mas mabigat sa akin yung requirement na kailangan mahusay umarte kasi napakahirap ng role. And si Andrea was the only choice na gumanap bilang central female lead,” sabi pa ni Direk Mac.

Makakasama rin nina Andrea at Kych sa “May December January” si Gold Aceron, ang gaganap na anak ni Andrea sa pelikula na makakaagaw niya may Kych. Mapapanood na ito sa October 12 sa mga sinehan nationwide.
https://bandera.inquirer.net/314447/alex-diaz-game-na-game-sa-love-scenes-its-not-gonna-work-if-youre-not-completely-invested

https://bandera.inquirer.net/314602/alex-diaz-super-proud-sa-pagiging-bisexual-game-na-game-sa-mga-sex-scene-sa-pathirsty
https://bandera.inquirer.net/314897/lalaking-nadamay-sa-hiwalayang-moira-at-jason-ako-ang-handler-nila-pakiusap-umiwas-na-tayo-sa-tsismis

https://bandera.inquirer.net/323171/posible-pa-kayang-magkabalikan-sina-moira-dela-torre-at-jason-hernandez

Read more...