Xian Lim, Kim Chiu nagkahiyaan sa 1st shooting day ng ‘Always’; Matinding dramahan, maraming iyakan

Xian Lim at Kim Chiu

NGAYON pa lang ay abangers na ang milyun-milyong fans ng celebrity couple na sina Xian Lim at Kim Chiu sa reunion movie nilang “Always.”

Halos walong taon na hindi gumawa ng pelikula ang tambalang KimXi, huli silang napanood together sa Star Cinema movie na “All You Need is Pagibig”.

At sa wakas, dininig na ang hiling at matagal nang ipinagdarasal ng kanilang mga supporters na magkasama uli ang magdyowa sa isang pelikula.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media sina Kim at Xian sa presscon ng “Always”, ang Pinoy version ng hit 2011 Korean film na may remake rin mula sa  Japan, Turkey at India.

Gaganap si Kim dito bilang isang dalagang bulag habang si Xian naman ay si Lino, na isang boksingero na mai-involved sa isa’t isa at masusuong sa kakaiba at masalimuot na sitwasyon.

Sey ni Xian sa muli nilang pagtatambal ni Kim sa “Always”, “First shooting day namin, parang nagkahiyaan pa kami kasi iba talaga ang environment ng paggawa ng pelikula kaysa teleserye.

“But once naumpisahan, we both felt good to be back doing something for the big screen,” sabi ng actor-director.


Tungkol naman sa preparasyon niya sa pelikula bilang boksingero, “Most of our movies before were romantic comedies, like ‘Bakit Di Ka Crush ng Crush Mo?’ and ‘Bride for Sale’. Now, we’re doing something very dramatic at maraming iyakan.

“First, we watched the Korean version. Siyempre, we don’t want our movie to be just a copy of the original. We put in our personal flavor.

“For my role as a boxer who goes to underground street fighting, I had to work out hard to make sure ready yung katawan ko, kasi I want to do all the fight scenes myself in the Laban ni Lino sequences,” aniya pa.

Samantala, nagkuwento naman ang direktor ng “Always” na si Dado Lumibao sa Pinoy version ng “Always”, “We were faithful sa flow ng narrative ng original.

“But we put in more kilig factor and also, mas ginawa namin siyang dramatic toward the end to adapt it for the Filipino sensibility.

“Our characters are more human, you can feel the pain and struggle that they go through,” chika ni Direk.

Bilib na bilib din siya sa ipinakitang acting nina Kim at Xian sa movie, “They are both very good in the movie. It helps na sila talaga in real life so comfortable na talaga sa isa’t isa.

“They give their most mature performance in ‘Always’ and I’m so happy that so far, lahat ng nakapanood ng film, ang feedback is napakagaling nilang dalawa. Their acting is so natural and it’s so much fun working with them,” papuri pa niya sa magdyowa.

Natakot nga lang daw siya kay Xian dahil ayaw nitong magpa-double sa fight scenes, “Kasi natatakot ako dahil binabalibag siya sa sahig, sabi ko baka mabalian.

“E, ayaw paawat, gusto siya mismo ang gumawa so sabi ko, bahala ka, malaki ka na. In all fairness, na-carry naman niya lahat ng mahirap na eksena,” sey pa niya.

Kasama rin sa movie sina Joko Diaz, Gab Lagman, Yayo Aguilar, Carlene Aguilar, Jojo Abellana, Lander Vera Perez, Ali Kathibi at Ivan Padilla, Vincent Soberano at Jess Evardone.
Showing na sa mga sinehan nationwide ang “Always” sa September 28.

https://bandera.inquirer.net/316454/kim-chiu-xian-lim-muling-magsasama-sa-pelikula-kimxi-fans-abangers-na

https://bandera.inquirer.net/283503/kim-niregaluhan-ni-xian-ng-ootd-na-pang-motor-para-raw-ready-ako-umangkas-sa-kanya
https://bandera.inquirer.net/288188/kim-suportado-ang-paglipat-ni-xian-sa-gma-makakatambal-si-jennylyn-sa-unang-kapuso-serye
https://bandera.inquirer.net/283503/kim-niregaluhan-ni-xian-ng-ootd-na-pang-motor-para-raw-ready-ako-umangkas-sa-kanya

Read more...