Tambalang Gelli-Cris lumelebel sa powers ng KathNiel: Imagine, sa edad na 50 may pa-loveteam pa

Cris Villanueva at Gelli de Belen

NAKIKIPAGSABAYAN kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa pagsasabog ng kilig at good vibes sina Gelli de Belen at Cris Villanueva sa “2 Good 2 Be True.”

In fairness, maraming natutuwa at naaaliw sa loveteam nina Gelli at Cris kaya naman mas lalo pang dumarami ang naaadik sa nasabing Kapamilya series.

Super thankful ang dalawang veteran stars sa mga nanonood sa “2 Good 2 Be True” at sa mga nakakatuwang feedback ng viewers all over the world.

“We are elated, we are very happy and grateful that people really like to watch the show.

“Na kumakapit talaga sila sa istorya hindi lang dahil kay KathNiel kung hindi pati sa ibang istorya sa serye ay kumakapit sila. Happy for all of us because we work hard to make it really nice,” ang sabi ni Gelli sa panayam ng Kapamilya Chat na gumaganap bilang Margie Fajardo sa serye, ang nanay ni Ali (Kathryn).

Sey naman ni Cris, “Siyempre we work hard not only to complete the job kung hindi pati mag-enjoy ang mga manonood. Siyempre masaya kapag nakikita namin at nalalaman namin na enjoy sila.


“Sa aming mga artists, performers, actors, gusto namin nakaka-entertain kami and what’s the best way to know it is itong katulad ng mga sa social media right now na nababasa namin ‘yung kanilang appreciation.

“So tuwang-tuwa kami na parang nagugustuhan nila ‘yung show, ‘yung ginagawa namin,” ani Cris na gumaganap bilang Capt. Rafael Rosales.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila inakala na magiging mainit ang pagtanggap ng madlang pipol sa tambalang “MarKap”. Ani Cris, “Ako nagulat talaga, as in ‘ah talaga may loveteam na ako.'”

Hirit ni Gelli, “At our age, hindi ba? Parang tapos na kami sa loveteam, ‘yung mga loveteam na ‘yan napagdaanan na namin been there, done that. At the age of 50 mayroon pa kaming ganoon, di ba?”

“Ultimo ang kiss na ginawa namin, pinag-usapan namin ‘yung timing. It’s all technical. More than kilig, of course if you watch it, it’s kilig or whatever but when we are doing it, it’s technical,” dagdag chika ni Gelli.

“Pinag-usapan na kailangan ganito katama ‘yung timing. Pinagkuwentuhan muna nang matagal,” sey uli ni Cris. Na sinagot ni Gelli ng, “Kung natuwa kayo, happy kami. Kasi pinag-usapan talaga namin ‘yan with Direk.”

https://bandera.inquirer.net/285458/cris-villanueva-covid-survivor-feeling-ko-mawawala-na-ako-gusto-ko-nang-magbilin-sa-family-ko

https://bandera.inquirer.net/318386/kathryn-daniel-da-best-na-role-model-sa-mga-kabataan-marespeto-matulungin-magaling-makisama-sa-tunay-na-buhay

https://bandera.inquirer.net/323442/kissing-scene-nina-gelli-de-belen-at-cris-villanueva-bentang-benta-sa-madlang-pipol-lagot-kayo-kay-ariel-rivera
https://bandera.inquirer.net/322381/gelli-pigil-na-pigil-ang-pag-iyak-sa-graduation-ng-anak-hindi-ako-pwedeng-umeksena-moment-niya-yun

Read more...