ANIM na taon nang humahataw sa mundo ng showbiz ang actress-singer na si Vivoree Esclito mula nang lumabas siya sa “Pinoy Big Brother” house noong 2016.
Kahit puro supporting roles ang ginagampanan ng dalaga ay wala naman daw itong problema sa kanya at nagpapasalamat pa rin siya nang bonggang-bongga sa ABS-CBN.
“I really do think that I still have a long way to go and marami pa akong puwedeng matutunan and sa mga roles ko din, marami pa akong kailangan i-discover about myself.
“And marami pa akong roles na gustong gampanan. Aside from acting, I also want to explore music kasi first love ko talaga yung music, singing, and dancing.
“I learned to love acting lang after PBB when I joined acting workshops so marami pa akong gustong matutunan and ma-experience,” pahayag ni Vivoree sa virtual mediacon ng “Love Bites” noong September 14.
Sa premiere episode ng “Love Bites” na may titulong “Lost But Found” nakatambal ng aktres ang Filipino-British actor na si Anthony Jennings sa unang pagkakataon.
Una silang nagkatrabaho sa Kapamilya youth-oriented series na “Tara G!” na napanood din ngayong taon.
“Honestly, hindi ko in-expect. Ako kasi, wala naman akong official love team but I’m open to working with anyone and sobrang happy and natutuwa talaga ako na I was able to work with Anthony for this project.
“Friendship is the best foundation talaga sa kahit anong aspect talaga in life. At saka para ma-build din yung trust para you can give and take din sa mga eksena,” sey ni Vivoree.
Tungkol naman sa lovelife, inamin ng dalaga na ang mga na-experience niya sa pakikipagrelasyon ay nakatulong din sa kanya para maging “better person.”
“Well ako I’m just going with the flow naman. Hindi ko naman maitatanggi na I’ve had mga things with guys before pero sobrang importante talaga sa akin yung self-care.
“Every time I get my heart broken talaga parang I focus on myself more and parang I really want to grow in myself and be a better person.
“Kasi you know, once dumating na yung para sa ‘yo talaga, you’ll be fully prepared kumbaga and you know na para sa iyo talaga and you know your worth na.
“Hindi na siya kagaya ng dati na you know nothing about love kaya wala ka rin parang nagagawa when you get your heart broken,” aniya.
Pero in fairness, kahit havey o waley ang relationship status, kering-keri ni Vivoree gampanan ang iba’t ibang roles, kabilang na riyan ang pagpapakilig.
“Yes. Sa mga projects naman talaga na ibinibigay sa akin pag may factor naman talaga na there’s love or there’s kilig. It depends din naman sa tao.
“If you’re single and you’re working, puwede ka naman maghanap ng sarili mong kilig eh. Ha-hahaha! Like manood ka ng mga videos sa YouTube or you can read a book about fictional love, ganu’n.
“Sa mga ka-work mo naman parang nabi-build mo yung chemistry and then yung kilig is there naman. Mararamdaman mo naman talaga yun,” chika ng dalaga.
Panoorin sina Vivoree Esclito at Anthony Jennings sa premiere episode ng “Love Bites”, ang “Lost But Found” sa ABS-CBN Entertainment YouTube Channel.
https://bandera.inquirer.net/303412/vivoree-esclito-inuulan-ng-blessings-hindi-ko-alam-kung-ano-ginawa-ko-to-deserve-all-of-these
https://bandera.inquirer.net/302619/vivoree-esclito-nabiktima-na-rin-ng-sindikato-sa-socmed-ginamit-ng-mga-scammer-para-manloko
https://bandera.inquirer.net/317628/brenda-mage-patuloy-na-binabanatan-may-nagsasabi-sana-ako-na-lang-ang-mamatay-kesa-yung-mga-sikat-na-vloggers
https://bandera.inquirer.net/297595/vice-napaiyak-nang-muling-mag-concert-sa-us-na-stress-talaga-ko-bigla-akong-natahimik