USAP-USAPAN ang naging pahayag ng beteranong aktor na si John Arcilla patungkol sa kanyang patuloy na pagsusuot ng face mask.
Ayon nga sa kanyang Instagram post noong Huwebes, Setyembre 15, patuloy pa rin siyang magsusuot ng face mask sa kabila ng inilabas na Executive Order No. 3 ng gobyerno na boluntaryong pagsusuot ng face mask sa outdoor areas o lugar kung saan may well-ventelation.
May regulasyon man o wala ay PIPILIIN KONG SIGURADUHIN na ligtas ang aking sarili sa VIRUS at ISAALANG-ALANG ANG KALUSUGAN ng iba lalo na sa MATATANDA at PAMILYANG uuwian ko,” saad ni John.
Dagdag pa niya, “Mas higit na ayaw kong MAGDUSA SA PAGKAKASAKIT o BAWIAN NG BUHAY ang mga mahal ko, maging ang aking sarili, kaysa MAGBAKASAKALI at hubarin ang face mask na PANANGGALANG ko sa kahit anumang uri ng virus o sakit na maaari kong masagap at maikalat sa mga tao na uuwi rin sa kani-kanilang PAMILYA.l Hindi KALAYAAN ang itaya ang sarili sa PELIGRO.”
Marami sa mga netizens ang sumang-ayon kay John at hindi rin maiiwasan na may pumalag sa opinyon niya.
Kaya naman sa isa pang Instagram post ng aktor nitong Biyernes, Setyembre 16 ay nilinaw niya na naiintindihan niya at ginagalang niya ang desisyon ng bawat isa.
“Iginagalang ko ang desisyon ng bawat isa. Sa ganang akin, ang KALAYAAN ay ang kapangyarihang pumili para ilayo ang sarili at ang iba mula sa PELIGRO o tiyak na kapahamakan,” sey ni John.
Pagpapatuloy pa niya, “Ang Kalayaan ay may kalakip na RESPONSIBILIDAD kaya may regulasyon man o wala ay PIPILIIN KONG SIGURADUHIN ligtas ang aking sarili sa VIRUS at ISAALANG-ALANG ANG KALUSUGAN ng iba lalo na sa MATATANDA at PAMILYANG uuwian ko.”
Chika pa niya, maliban sa loob ng kanyang tahanan ay patuloy siyang magsusuot ng face mask sa loob man o labas ng mga gusali para mapangalagaan ang iba.
“Mas higit na ayaw kong magdusa sa pagkakasakit o bawian ng buhay ang mga mahal mo maging ang aking sarili kaysa magbakasakali at hubarin ang face mask na pananggalang ko sa kahit anumang uri ng virus o sakit na maaari kong masagap at maikalat sa mga tao na uuwi ri sa kani-kanilang pamilya,” hirit pa ni John.
Maging ang mga kasama sa industriya na sina Romnick Sarmenta at Pokwang ay nakikiisa at nagpapaalala sa publiko na patuloy pa ring magsuot ng face mask.
Related Chika:
John Arcilla tuloy pa rin ang pagsusuot ng face mask: Hindi kalayaan ang itaya ang sarili sa peligro
Romnick Sarmenta umalma sa boluntaryong paggamit ng face mask
John Arcilla namatayan ng 10 mahal sa buhay sa loob ng 1 taon ngayong panahon ng pandemya
Dingdong kinabahan nang magpabakuna: Pero kailangan natin ito para sa proteksyon ng lahat