MAY mga multo sa Malacañang! Yan ang kinumpirma ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga.
Kahapon, September 13, nagkuwento ang Pangulo tungkol sa mga ligaw na kaluluwa na naninirahan sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa pa-tour ni PBBM sa Malacañang kasama si Toni na mapapanood sa “Toni Talks” na umere rin sa pagsisimula ng operasyon ng ALLTV ng AMBS Channel 2 kahapon.
Dito nga nabanggit ng Presidente ang tungkol sa mga multong matagal nang umiikut-ikot doon. Pero nilinaw niya na hindi raw kaluluwa ng mga dating presidente ang naroon.
“Hindi. Mostly yung mga lumilitaw noong panahon daw ng giyera,” aniya.
Tungkol naman sa personal niyang mga karanasan sa Malacañang, “Ang dami nang nangyari. Things moved that were not supposed to move.
“Walang tao pero makikita mo may gumagalaw. Tapos kapag dumadaan ka, bumubukas yung pintuan na hindi mo naman ginagalaw. This door. I tried to open the door, but the door opened itself,” pagbabahagi pa ni PBBM.
Talaga raw tumatayo ang balahibo niya kapag may napi-feel siyang kakaiba. Naniniwala rin daw sila na may mga dwende sa Malacañang.
Halos 20 taon nanirahan sa Palasyo ang pamilya Marcos bago sila lumipad patungong Hawaii noong magkaroon ng EDSA People Power Revolution.
Ilan daw sa mga kagamitan nila sa Palasyo ay naitago ng kanilang mga kaibigan at naibalik din nang umuwi na sila sa Pilipinas.
Sa isang bahagi ng vlog ni Toni, ipinasilip din ni PBBM ang dating kwarto ng mga kapatid niyang sina Imee at Irene sa Malacañang.
Sa tanong kung kanino siya mas close sa dalawang kapatid na babae, “It’s hard to say. Pareho. Ang nangyari kami lang ang bata sa Palasyo kaya we need to stick together.”
Nakita rin sa vlog ang mga dining room sa Palasyo. Sabi ni Pangulong Bongbong, doon daw sila kumakain at natatandaan pa niya ang pagse-serve sa kanila ng mga ulam na gulay tulad ng pinakbet at dinengdeng.
May sari-sarili rin daw kwarto noon ang mga magulang niyang sina former President Ferdinand Marcos at former First Lady Imelda Marcos.
May music room din sila kung saan sila nagpa-practice na magkakapatid kapag may production number sila para sa mahahalagang okasyon sa Malacañang.
Meron din silang room kung saan siya nagpa-practice ng judo sa edad 8, “I was a black belter. Sineryoso ko yun even when I left for England.”
https://bandera.inquirer.net/320406/darryl-yap-sa-lahat-ng-kumakastigo-sa-maid-in-malacaang-pumila-kayo-mahaba-ang-pila-magkita-kita-tayo-sa-dulo-ng-linya
https://bandera.inquirer.net/286577/bakit-kayo-defensive-baka-guilty-tanong-ni-de-lima-sa-palasyo-ukol-sa-hakbang-ng-icc-sa-war-on-drugs
https://bandera.inquirer.net/316857/diego-patung-patong-na-pressure-ang-napi-feel-sa-pagganap-bilang-bbm-cesar-great-blessing-ang-pagbibida-sa-maid-in-malacaang
https://bandera.inquirer.net/305291/xian-pinaglaruan-ng-multo-habang-nagsu-shooting-ng-bahay-na-pula-ano-kaya-ang-ibig-sabihin-nito