Bongbong Marcos pinanindigan ang unang posisyon tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN; naluha nang mapag-usapan ang ama

Bongbong Marcos at Toni Gonzaga

SA “no holds barred” interview ni Toni Gonzaga kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na in-upload sa kanyang “Toni Talks” YouTube channel kagabi, ay napakaraming bumanderang rebelasyon.

Isa sa diretsong tinanong ng TV host at aktres kay Presidente ay, “Do you think there is a chance to for ABS-CBN to get its franchise under the Marcos administration?”
Agad na sagot ni PBBM, “Again, I have not change may position ever. 

“The question about the ABS-CBN franchise is really about some of the violations, some of the problems that they have encountered during the hearings and investigation in the House of Representatives and as long as those are attended to, those are resolved then there’s no reason actually for the committee on franchises in the house to deny them a franchise.

“I know that the suspicion is always because of the political position that they took which is against PRRD (Presidente Rodrigo Roa Duterte). The actual technical reasons are the issues that were found during the hearings in the house,” sagot ni PBBM

Sa tanong kung ano ang reaksyon nito na maraming kasamahan si Toni sa showbiz industry ang hindi siya gusto at very vocal pa ‘yung iba by calling him names.

“It’s their opinion. Again, it’s clear that the creative industry is an important part of our culture even of our image and look abroad,” saan ng Pangulo.


Sa unang State of the Nation Address o SONA ni President Bongbong noong Hulyo 27, 2022 ay nasambit nito ang tungkol sa creative industry kaya ito ang naging lead ni Toni para hingan ng reaksyon tungkol sa mga kasamahan niya sa showbiz.

Sabi ni PBBM, kapag nagpupunta sa ibang bansa lalo na sa Asya ay pawang mga Pinoy ang tumutugtog sa mga hotels at bars na tinatambayan ng iba’t ibang nationality.

“If you were to talk to your eight years old self, what would you tell to that little Bongbong Marcos entering the palace,” sumunod na tanong ni Toni.

Natawa muna si PBBM, “Boy, are you in for a wild ride! You have no idea what the rest of your life is holding for you and it’s going to be something. Something amazing, something going unexpected.  There’s so many things that happened in my life that were so unexpected.

“Yes that what I would tell to my little self, prepare yourself because ang daming mangyayari sa buhay mo,” sabi ng Pangulo sabay tawa.

Naging emosyonal naman si PBBM sa tanong ni Toni na noong nanalo na siya bilang 17th president of the Philippines ay nag-post ito kinabukasan na binisita ang libingan ng amang si Ferdinand Emmanuel Endralin Marcos, Sr., ay ano ang sinabi nito.

“You should be here! (sabay pakita ang mga larawang nasa puntod si PBBM ng ama). Don’t make me cry. Ha-hahaha!” sagot ni Mr. President na pinipigilang pumatak ang mga luha.

“You told him, ‘you should be here’, why?” balik-tanong ni Toni.

“This is yours (mangiyak-ngiyak na). This is not all mine. This is yours with my mom, this is your good work that brought me here. Don’t leave me now, I’m going to need your help,” garalgal na ang boses na sabi ni PBBM.

Nabanggit din niya na panahon na para magpahinga na nang tuluyan ang ama at huwag mag-aalala dahil ipagpapatuloy niya ang lahat ng mga natutunan sa kanya.

“And I will try to continue it,” saad ni PBBM.

“And you did it. Congratulations Mr. President,” nakangiting sabi naman ni Toni.
https://bandera.inquirer.net/319723/bianca-gonzalez-pinuri-ang-sona-ni-pbbm-pero-may-patutsada-pa-rin-g-tongi-tumalak-dahil-sa-ootd-ng-mga-mambabatas

https://bandera.inquirer.net/287168/carla-emosyonal-sa-lock-in-taping-nag-celebrate-ng-huling-kaarawan-bilang-single-woman
https://bandera.inquirer.net/293394/carla-ibinuking-si-rocco-grabe-yung-pressure-sa-kanya-pero-napanindigan-niya-yun
https://bandera.inquirer.net/285359/fans-wish-na-magkatuluyan-sina-rita-at-ken-rocco-max-muling-magtatambal-sa-gma-series

Read more...