Julie Anne, Barbie bubuhayin ang alaala ni Jose Rizal; ‘Idol Philippines’ talbog ng ‘Running Man PH’ sa ratings game

Barbie Forteza at Julie Anne San Jose

SIGURADONG tututukan ng Kapuso viewers ang upcoming historical fictional portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra” tampok ang makabagong pagkukuwento sa nobela ni Dr. Jose Rizal.

Magsisimula ito sa kwento ni Klay (Barbie Forteza), isang Gen Z na nursing student na gustong mangibang-bansa para magtrabaho. 

Isang araw, magigising at malalaman niyang napadpad siya sa mundo ng nobelang “Noli Me Tangere” ni Rizal.


Magtatagpo ang landas nina Klay at Maria Clara (Julie Anne San Jose) kung saan makikita ang pagkakaiba sa ugali at kasanayan ng dalawang dalaga dahil sa kani-kanilang pinanggalingang henerasyon.

Makikilala rin niya si Ibarra (Dennis Trillo) at ang iba pang karakter sa nobela na magtuturo sa kanya ng pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa kasaysayan.

Sure na sure na isang panibagong putahe na naman ito na ihahatid ng GMA sa kanilang loyal viewers na hanap ay world-class entertainment. 

Abangan ang next big cultural offering na “Maria Clara at Ibarra” soon sa GMA.

* * *

Muli na namang pumalo ang TV ratings ng “Running Man Philippines” sa second week ng pag-ere nito sa GMA.

Nitong Sabado (September 10) ay nakakuha ang programa ng people rating na 14.3 percent sa National Urban TV Audience Measurement preliminary/overnight data ayon sa TAM data ng Nielsen Philippines.

Lalo pang umarangkada ang ratings ng “Running Man Philippines” last Sunday (September 11) matapos magtala ng people rating na 15 percent.  

Ang katapat nitong “Idol Philippines” (A2Z at Kapamilya Channel) ay nakakuha lang ng combined ratings na 4.1 at 3.1 percent sa dalawang nasabing araw. Umaapaw rin ang good vibes at positive feedback mula sa netizens.

“Napakasaya niyong panoorin! Talagang tatawa ka lang nang tatawa mula umpisa hanggang dulo. Congratulations, Runners!” say ng isang fan sa Facebook page at Instagram account ng programa.

Ang dami na ngang nagre-request na maging every night na raw sana ang kanilang bagong favorite reality game show tuwing weekend. 

“Pero for now, manatiling nakatutok sa “Running Man Philippines” tuwing Sabado, 7:15 p.m. at tuwing Linggo, 7:50 p.m. sa GMA-7.

https://bandera.inquirer.net/318217/dennis-julie-anne-barbie-bibida-sa-historical-portal-fantasy-na-maria-clara-at-ibarra-jo-berry-pa-cute-na-kontrabida
https://bandera.inquirer.net/317127/cesar-mas-na-challenge-sa-pagganap-bilang-ferdinand-marcos-kesa-kina-rizal-at-bonifacio-super-proud-daddy-kay-diego
https://bandera.inquirer.net/320202/herlene-budol-pasok-sa-top-12-ng-bb-pilipinas-2022-pageant-makasungkit-nga-kaya-ng-titulo-at-korona

Read more...