Zeinab Harake lumebel kay Daniel Padilla sa pagmo-mall show; nangisay nang dahil kay Marian Rivera

Zeinab Harake, Marian Rivera at Rhea Tan

GRABE! As in grabe pala talaga ang powers at karisma ng internet sensation at content creator na si Zeinab Harake sa mga Filipino fans.

Nasaksihan namin kung paano magsigawan, magpalakpakan at pagkaguluhan ng mga tao ang celebrity mom sa isang mall show last Sunday, September 11.

Shocked talaga kami sa napakainit na pagtanggap ng mga kababayan nating sumugod sa Ayala Malls Cloverleaf para sa bonggang free concert ng Beautederm Corporation kung saan humataw on stage ang kanilang celebrity ambassadors.

Isa si Zeinab sa mga nag-perform sa show na talaga namang bentang-benta sa mga manonood. Halos mabingi na kami sa sigawan at palakapakan ng audience habang nagpe-perform ang vlogger na game na game ring nakipag-bonding sa kanyang mga fans and supporters.

May mga nagsabi pa nga na lumebel si Zeinab kay Daniel Padilla nang bumida ito sa isang mall show kung saan talagang nagkagulo ang mga fans habang siya’y kumakanta on stage.

Nakasama rin sa napakasayang event ng Beautederm na pag-aari ni Ms. Rhea Anicoche Tan sina Jelai Andres, Buboy Villar, Ruru Madrid, Bianca Umali, Boobay at JC Santos.

Samantala, sa media launch ni Zeinab bilang brand ambassador ng Beautederm last Friday sinabi ni Zeinab na shookt din siya sa napakainit na pagsuporta at pagmamahal sa kanya ng mga Pinoy fans.

“Sobrang bago ko lang po sa industry, like hindi po talaga ako artista. Hindi ako anything. Isa lang po akong nagbi-video,” ang sabi ni Zeinab nang tanungin kung ano ang feeling na isa na siyang endorser ng kumpanya ni Ms. Rhea.

“Hindi ko alam kung bakit ako umabot ng ganun karaming supporters at taong nagmamahal sa akin. Pero ngayon, parang binubuksan ko na yung next chapter ng life ko na kailangan nating sumubok ng mga bago, and eto, eto yung parang biggest.

“Sa lahat po ng naging work ko and everything, sa Beautederm yung parang pinaka… sobrang saya, kasi first time. Eto pong media na ito, ito pong presscon na ito, sobrang first time lang sa akin nito lahat.

“And bago ako dito pero kailangan at gagawin ko talaga lahat ng best ko, at yung feelings ko talaga ngayon, sobrang saya! Sobra. Paulit-ulit kong sasabihin, sobrang saya! At hindi ko ito pababayaan,” sey pa ni Zeinab na may 13 million  subscribers na sa YouTube, 14.4 million followers sa Tiktok, 12 million sa Facebook at 4.9 milliom sa Instagram.

Kinikilig namang inamin ni Zeinab na may crush siya sa mga endorsers ng company ni Ms. Rhea, “Number one nga na sinabi ko kay Mommy Rei, meron akong crush sa Beautederm family. Eto talaga po, as in! Kung ano po yung arte ko ngayon, feeling ko, dito ko lang masasabi.

“Ate Yan. Si Ate Yan talaga, Ate Marian Rivera. Nine years old pa lang ako, siya yung pine-peg ko sa ngiti ko, sa galaw ko. Loding-lodi!” aniya pa.


Halos magwala nga raw siya nang i-follow siya ni Marian sa Instagram, “Napa-tweet din ako. Sabi ko, binuo ni Ate Yan ang araw ko. Morning kasi yun nung finollow back niya ako. So, paggising ko, para talaga akong mangisay-ngisay!” 

Ibinuking din ni Ms. Rei na super crush ni Zeinab si Piolo Pascual, “Ay, si Piolo! Hindi, kasi nahiya ako. Si Sir Piolo, nag-comment siya dun sa isang Tikok video ko. Nag-comment talaga siya, ‘Arat na.’ E, signature ko po yung ‘arat na’ sa YT channel ko.

“Nu’ng nag-comment siya ng ‘arat na,’ kilig na kilig ako. Sabi ko, ‘Mommy Rei!’ Sakto, nag-shoot tayo ng Beautederm nun. Pagsasamahin daw niya kami ni Piolo.

“So, yun po ang nilu-look forward ko na makasama sa mga magiging work ko dito,” chika pa ni Zeinab.

https://bandera.inquirer.net/323727/zeinab-harake-natatakot-pasukin-ang-mundo-ng-showbiz-hindi-kayang-magpa-sexy-kasi-po-babae-ang-anak-ko
https://bandera.inquirer.net/318911/zeinab-harake-gusto-namang-mag-try-ng-gwapong-dyowa-mas-gaganda-raw-ang-buhay-nang-hiwalayan-si-skusta-clee
https://bandera.inquirer.net/323014/xian-gaza-tinamaan-kay-zeinab-harake-will-you-eat-biko-with-me
https://bandera.inquirer.net/322968/xian-gaza-nagulat-nang-makita-si-zeinab-sa-singapore-nagkwentuhan-at-walwalan-hanggang-umaga

Read more...