Grupong iDolls nina Matty, Enzo, Lucas mabubuwag na; 1 miyembro ng grupo nanawagan sa fans

Matty Juniosa, Lucas Garcia a tEnzo Almario

MAKALIPAS ang tatlong taong pagsasama bilang grupo, maghihiwa-hiwalay na ang singing trio na iDolls.

Taong 2019 nang mabuo ang all-male singing group na kinabibilangan ng “Idol Philippines” season 1 contestants na sina Matty Juniosa, Enzo Almario at Lucas Garcia.

Si Lucas ang nag-announce ng  balita sa kanyang Instagram account kalakip ang litrato nilang tatlo na kuha sa isa nilang production number.

“Mahabang taon ng kantahan, baklaan, awayan, iyakan, tawanan, at mahalan tungo sa paalamanan. 

“I will always cherish all those moments we spent together, all those laughter we shared, all those stories we told.

“Til we cross paths again! iDolls signing off,” mensahe ni Lucas.

Sa post naman ng isa pang iDolls member na si Matty, ibinahagi niya na ang pinakadahilan ng disbandment ng kanilang grupo ay ang desisyon niyang mag-aral sa ibang bansa.

Aniya, nakatanggap daw kasi siya ng scholarship, “Hello friends and family! I know by now that you have found out iDolls will be disbanding for a while, and that is because I will be pursuing a second degree in the UK for Musical Theater after I was granted a partial scholarship by The Royal Conservatoire of Scotland. 

“This endeavor is one that I am immensely excited for but more than anything, anxious, because I have never been on my own and I haven’t experienced sustaining myself, all the more in a foreign country,” pahayag ni Matty.

Pero sey ni Matty, tumatanggap pa rin siya ng booking bago siya tuluyang umalis ng bansa,  “I am taking last minute inquiries and performance requests while I’m still here! 

“I’ll be leaving on the 20th of September and I do hope anyone who’s interested would reach out to me, I’d love to perform for you before I leave! 


“This will really help me out with sustaining my studies and cost of living. In another light, if you want to help me out in making this dream of mine come true, my phone number is the same as my GCash account, any amount would be of great help!” aniya pa.

Samantala, nag-post din si Enzo ng  iDolls photo habang nagpe-perform sila on stage na may caption na, “The end of an era.”

Matapos mag-release ng individual singles noong 2020, inilabas naman ng iDolls last year ang kanilang self-penned song na “Kapangyarihan” under Star Pop ng ABS-CBN Star Music, “which aims to help empower the LGBTQIA community.”

Pagkatapos ng laban ng tatlong singer sa “Idol Philippines”, naging bahagi sila ng “ASAP Natin ‘To” at “Your Face Sounds Familiar.”

Rayver, Kylie, Jak nagbigay ng love advice sa isa’t isa; kissing scene ni Jon Lucas sa MTV ikinagulat ni misis

JBK hugot na hugot sa bago nilang kantang ‘Porket’, pangarap ding makilala sa Asya at Latin America

Chie Filomeno ipinagluluksa ang pagkamatay ni Matty: Wala nang mangungulit at uutusan akong kunin yung bola niya…

Jon Lucas umamin sa asawa: Ikaw lang ang pinakamaganda sa paningin ko, kaso may kaagaw ka na

Read more...