GRABE! As in binabagyo ngayon ng blessings at suwerte ang Kapamilya actress at YouTube vlogger na si Ivana Alawi.
Lahat yata ng ginagawa at pinagkakaabalahan ng dalaga ngayon ay talagang bumebenta at pumapatok sa madlang pipol — kaya naman tagalagang masasabing napakaswerte ng 2022 kay Ivana.
Bukod nga sa umaaribang career bilang YouTuber (15 million subscribers) kung saan kumikita siya ng milyun-milyon, may hit primetime series na siya sa ABS-CBN, ang “A Family Affair.”
Isa pang bonggang blessing na natanggap niya this year ay ang kanyang Metro Manila Film Festival 2022 entry na “Partners In Crime” kasama ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda, sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.
Kaya naman wala na raw mahihiling pa si Ivana, “I feel super grateful and I’m very thankful to ABS-CBN for the chance and opportunity kasi nung bata ako pangarap ko lang ito eh.
“At ngayon nagkakatotoo siya dahil sa ABS-CBN. And I’m very grateful. I’m humbled and blessed talaga,” pahayag ni Ivana sa isang panayam.
Sey pa ng dalaga, agad-agad daw siyang sumagot ng “yes” nang ialok sa kanya ang MMFF movie ni Vice. Hindi pa nga raw niya ang magiging role niya sa pelikula ay tinanggap na niya ito.
“I was so happy and so excited. Hindi nga ako nagtanong kung anong kwento kasi, oh my gosh, kasi to be with Vice pa lang, malaki na yun para sa kin. It’s an achievement,” chika ng aktres.
Looking forward din siya na makatrabaho si Direk Cathy sa “Partners In Crime” under Star Cinema na inilarawan pa niyang “a once in a lifetime opportunity.”
“Gusto ko lang i-enjoy ito kasi it’s a once in a lifetime opportunity for me to work with Ms. Vice Ganda and of course, Direk Cathy,” sabi ni Ivana.
https://bandera.inquirer.net/281444/ivana-walang-kalandiang-dyowa-hindi-ako-naghahanap-hindi-rin-ako-nagmamadali
https://bandera.inquirer.net/281374/kung-may-nilabag-akong-batas-eh-di-kasuhan-na-lang-nila-pero-lalaban-ako
https://bandera.inquirer.net/316912/ivana-alawi-magbubuhay-reyna-kahit-hindi-na-mag-artista-hindi-mahilig-mag-post-ng-problema-sa-social-media
https://bandera.inquirer.net/295239/ivana-alawi-marco-gumabao-magdyowa-na-nga-ba