Vince Tañada sa mga nagsasabing ‘dilawan’ ang FAMAS, Harvard, at Nobel Piece Prize: Mas may value pa itong ulam ko now kesa sa utak mo

 Vince Tañada sa mga nagsasabing 'dilawan' ang FAMAS, Harvard, at Nobel Piece Prize: Mas may value pa itong ulam ko now kesa sa utak mo

HINDI na nakapagpigil ang writer, director, at abogadong si Atty. Vince Tañada sa mga taong nag-iisip na “dilawan” raw ang Harvard University, FAMAS, at prestihiyosong international award-giving body na Nobel Peace Prize.

Sa kanyang Facebook account ay naglabas siya ng kanyang opinyon patungkol rito noong kasagsagan na napili ang dating bise presidente na si Atty. Leni Robredo Hauser Leader para sa Harvard Kennedy School’s Center for Public Leadership sa Fall 2022 semester.

“Kung iniisip mo na dilawan ang Nobel Peace Prize, Harvard University at Famas Awards… ang t*nga mo!” saad ni Direk Vince.

Dagdag pa niya, “Mas may value pa itong ulam ko now kesa sa utak mo #yummy #ParesPoint #oxbrain.”

Matatandaang sa huling naganap na 70th FAMAS ay nagwagi si Direk Vince bilang Best Actor at Best Director at maging ang kanyang pelikulang “Katips” ay humakot rin ng parangal.

May mga nagsasabing biased daw ang award-giving body dahil talaga namang waging-wagi sila at pitong awards ang naiuwi nila out of 17 nominations.

Nabanggit rin ni Direk Vince ang Nobel Piece Prize dahil maraming mga bashers ang kumukwestiyon nang gawaran ang journalist na si Maria Ressa ng parangal na ito.

Sa hiwalay niyang Facebook post ay binanatan niya naman ang mga bayarang trolls.

“Bakit ba kasi galit na galit yung mga ‘ano’ sa tagumpay ng iba? Inggit na inggit ba? Well, sorry po kung nagsa-succeed. Baka po mahal kami ni Lord. Tapos ikaw nandyan pa rin sa P200 per post at P50 per comment. Kawawa ka naman. #buhaytroll,” chika ni Direk Vince.

Marami naman sa mga netizens ang tila “triggered” sa naging post ng direktor.

“Lol. Isa kang nakakasukang direktor! Isang hambog at sinungaling hindi ka pa nyan kilala sa industriya pero kung umasta kala mo dami mo [nang] nagawang pelikula. Ilabas mo ang total gross ng pelikula mong Katips! Diba sabi mo 48.1 million nung opening tapos 198 million naman in 1 week? Nasaan ang pinagyayabang mo brad,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Ayan kahit ibang lahi nakinuod kayo na lang di maka-move on. Tuloy tuloy ang paninira niyo at success pala ang mga talunan good job.”

Kasama rin sa comment ang poster ng “Maid in Malacañang” na umabot na ng P650 million ang kinita.

Matatandaang ang naturang pelikula ang tinapatan ni Direk Vince ng “Katips” upang ipakita sa madlng pipol ang kuwento ng mga ordinaryong Pilipino sa panahon ng Martial Law.

Related Chika:
Juliana Parizcova kinuwestiyon ang paghakot ng awards ng ‘Katips’ sa FAMAS; nanalong best supporting actor inokray

Hirit ni Vince Tañada, hindi anti-Marcos o pro-Aquino ang ‘Katips’: This is about the experience of ordinary Filipino

Darryl Yap muling hinamon si Vince Tañada: Post your cinema list

Martial Law movie na ‘Katips’ humakot ng trophy sa FAMAS 2022; Vince Tañada tinuhog ang best actor at best director awards

Read more...