Cast members ng Vivamax Original na “#DoYouThinkIAmSexy” nagkaiyakan sa presscon, anyare?

Marco Gomez at Cloe Barreto

“RUNNING joke” na lang kina Cloe Barreto at Marco Gomez ang sex scenes nila sa pelikulang “#DoUThinkIAmSexy” dahil ikalawang beses na nila itong pagsasama. Una silang ni-launch aa pelikulang “Silab” noong 2021.

“Testing of friendship na ito,” sabi ni Marco kasi nga nakita na niya ang buong katawan ni Cloe nang hubo’t hubad at wala nang malisya lalo’t iisa ang manager nila, ang 3:16 Events and Talent Management na pag-aari ni Len Carrillo.

Gayun din si Cloe na wala na ring malisya kapag nakikita ang kabuuan ni Marco at enjoy na enjoy nga siya sa karakter niya bilang camgirl sa bago nilang movie dahil sa ikalawang pagkakataon ay pinutol niya ang ari ng aktor sa kuwento na nauna niyang ginawa sa “Silab.”

“Enjoy nga po, e, kasi may dugo-dugo na naman, nage-enjoy ako kapag may mga dugo,” masayang sabi ng sexy star sa eksenang pinutulan niya si Marco para hindi na makapambiktima ng estudyante tulad niya.

Ang pagiging camgirl ang trabaho ni Cloe sa movie para matustusan ang pag-aaral niya at buhayin ang pamilya niyang siya lang ang inaasahan.


Relate si Cloe sa karakter niya sa “#DoUThinkIAmSexy” na idinirek ni Dennis Marasigan dahil breadwinner din siya sa totoong buhay, pero hindi siya camgirl.

Kaya natanong ang dalaga kung hanggang saan ang pagbibigay niya ng sustento sa pamilya lalo na kung masyadong demanding na halos wala ng matira sa sarili.

“Ako po kasi sobrang mapagbigay sa magulang ko, sobrang mahal ko ang nanay ko kaya kahit alam kong sumusobra na, kasi para sa kanila rin naman itong lahat ng ginagawa ko,” naiyak na sabi ni Cloe.

Pagpapatuloy niya, “Nangako rin po kasi ako na hangga’t nabubuhay ako hindi ko ipararanas sa kanila (mga kapatid) ang naranasan namin before kaya kahit alam kong sobra na wala akong pakialam. Hangga’t kaya kong magbigay, magbibigay ako. Ganu’n ko po kamahal ang pamilya ko.”

Natanong din ang ibang cast tulad ni Chloe Jenna tungkol sa tema ng pelikula nila, “Ako rin po itong ginagawa ko ay para sa family ko. Pero mag-set ng boundaries, dapat may needs and wants. Puwede naman ’yung wants pero dapat napa-priority pa rin ‘yung needs ng bawa’t pamilya.

“‘Yung mga necessities hindi napapabayaan, kung mayroon akong sobra (budget) why not? Willing akong ibigay hangga’t kaya kong ibigay,” aniya.

“Tama ang sinasabi nila kapag family gagawin moa ng lahat. Sa aming mga gay lalo na sa comedy bar dati hindi nila alam kung gaano kahirap ang buhay namin dito, akala nila kapag nasa Maynila ka (ay) maganda ang kita, madali ang pera kaya kapag humingi sila hindi ko alam kung may lambing kasi sobra na.

“Lalo na may pamangkin akong pinapaaral that time, ang hirap (kasi) magpapasampal ako kina Chokoleit mga ganu’n.

“Hindi nila alam ‘yung mga nararanasan ko (para kumita ng pera). Kaya minsan pinapa-verify ko kung totoo, nililimitahan ko hangga’t kaya ko,” kuwento naman ng stand-up comedian na si Atak Aranas.

Iba naman ang experience ni Marco kahit na lumaki siya sa mayamang bansa tulad ng Vienna, Austria.

“Although growing up sa Vienna sa Europe lumaki ako sa Philippine household and talagang when it’s about family, I’m willing to give everything sa family members ko,” saad ng aktor.

Para kay Eva Mendez, “Ako rin po, naka-relate rin ako kay Cloe at kay Atak. Kasi before bago po ako mag-artista dati rin akong estudyante at gumagawa ng mga raket at ngayong medyo stable na ako but not that stable (pero) kaya ko na ring buhayin ang family ko.

“Ang akin lang kasi mayroon ‘yung times na parang inaabuso na ako sa part ko na parang lahat priority ko na hindi naman kasi parang dapat parents ko ang magpo-provide.

“So, as a panganay sa aming magkakapatid, so hindi ko kayang makita ang magulang ko o mga kapatid ko na nahihirapan.

“As an Ate kailangan kong mag-give way sa amin kaya ako ‘yung na-delay mag-graduate ng college at nauna ‘yung mga kapatid ko, so, nag-aral na lang ako ng vocational and then business up to now tumtulong pa rin ako sa family ko,” sabi pa ni Ava.

Naiyak din si Cecil Paz habang sumasagot, “Sobra akong naka-relate sa kanila kasi head of the family ako since 1998 and gusto kong i-share na sa lahat ng head of the family, ganu’n talaga mapagbigay, matiisin up to the present.

“Pero I’ve learned a lot kasi laging may mercy kasi naawa ka that’s why hindi mon a naiisip na may mali ka ng nagagawa, dapat balance.

“If there’s mercy, there’s always balance. Kasi isipin mo rin kung nakakatulong ka o baka kasi nato-tolerate ng mali. Kaya dapat balance when it comes to financial tulong,” aniya.

Kaya ang matututunan sa kuwento ni Cloe bilang si Elle ay hindi dapat husgahan (tulad ng ginawa ng mga teachers na bad example raw) sa trabahong pinasok niya dahil ito ang paraan niya para makatulong sa pamilya na laging nanghihingi at inaaway siya kapag hindi nakakapagbigay ng halagang gusto.

May sariling gastusin din siya lalo’t marami siyang bayarin tulad ng renta, tuition at iba pa.

Ang “#DoUThinkIAmSexy” ay isinulat at idinirek ni Dennis Marasigan at line produced ng Great Media kasama si Lou Gopez na produced ng Viva Films at mapapanood na ito sa Vivamax bukas Biyernes, Setyembre 9.

https://bandera.inquirer.net/310100/cloe-barreto-mapapalaban-ng-aktingan-kina-jaclyn-jose-at-jc-santos
https://bandera.inquirer.net/322169/cloe-barreto-sa-ideal-dyowa-marespeto-sa-parents-at-responsable-kapag-mayabang-turn-off-agad-ako
https://bandera.inquirer.net/320844/baliw-din-talaga-ako-sa-pag-ibig-pag-nagmahal-po-ako-walang-bawal-bawal
https://bandera.inquirer.net/317928/tuwang-tuwa-ako-na-nasampal-ako-ng-isang-jaclyn-jose-cloe-barreto

Read more...