Mona Alawi mas piniling tumulong sa mga batang may sakit kesa gumastos sa bonggang debut, Ivana super proud ate

Ivana Alawi at Mona Alawi

WALANG bonggang debut ang bunsong kapatid ni Ivana Alawi at dating child star na si Mona Alawi.

Mas ginusto ni Mona na ipagdiwang na lamang ang kanyang 18th birthday kasama ang pamilya sa isang intimate at simpleng party.

Sa isang vlog na ibinahagi ni Ivana kahapon, September 7, ipinasilip niya sa madlang pipol kung ano ang mga naging kaganapan sa celebration ng debut ni Mona.

At dahil nga simpleng selebrasyon lang ang nais ni Mona, nagpunta sila sa isang resort sa Batangas at doon isinagawa ang naisip nilang paandar na pajama party.

Of course, bukod kina Ivana at Mona, naroon din ang nanay nilang si Fatima at kapatid na si Hash. Nagsalu-salo sila sa inihanda nilang cloud-themed dinner para kay Mona.

Enjoy na enjoy din ang debutante sa bonggang fireworks display na kinarir nina Ivana para sa special day ng kapatid.

Sabi ni Ivana sa kanyang vlog, proud na proud siya kay Mona dahil mas pinili nitong ibahagi sa mga batang tulad niya na may mga karamdaman ang perang gagastusin sana sa kanyang debut.

Bata pa lang ay na-diagnose na si Mona ng Type 1 diabetes.

“Natuwa lang ako sa kanya kasi ayaw niya gumastos sa party,” ani Ivana.


Sabi naman Mona, “Basta sama-sama tayo, makatulong, gusto ko. If puwede, to help kids, ‘yung mga sick kids, kasi I’ve been there and I’m still there, I’m still getting better and since we have the means to do so I really want to help yung other sick kids.”

“Nanghihinayang lang ako kasi you know we could use the money to help other people and at the same time, I’m really really happy.

“I have nothing against big parties, that’s nice. Pero ako kasi okay na ako sa tayo-tayo lang kahit small party as long as we are together masaya na ako roon,” dagdag pang pahayag ng dalaga.

https://bandera.inquirer.net/295448/ivana-handang-ubusin-ang-pera-para-gumaling-ang-kapatid-umiiyak-na-lang-ako-sabi-ko-mona-lumaban-ka

https://bandera.inquirer.net/306618/ivana-sinorpresa-ng-bahay-at-lupa-sina-mama-alawi-at-mona
https://bandera.inquirer.net/291486/buhay-ni-mona-alawi-nalagay-uli-sa-panganib-hindi-ko-pa-oras-hindi-pa-pwede
https://bandera.inquirer.net/282443/ivana-bumili-ng-luxury-car-sa-halagang-p11-5-m-ina-galit-na-galit-pwede-nyo-pang-isauli-yan

Read more...