Vicki Belo level-up ang pagiging K-pop fan, kinarir ang panggagaya sa 4 na miyembro ng Blackpink: ‘How did I do #Blinks?’

Vicki Belo ginaya ang look ng Blackpink members

TULAD ni Megastar Sharon Cuneta, hindi rin magpapatalbog ang celebrity cosmetic surgeon na si Vicki Belo sa pagiging super fan ng K-pop.

At para ibandera sa buong universe ang sobrang paghanga at pagmamahal niya sa Korean pop supergroup na Blackpink ini-level up na ni Vicki Belo ang pagpapaka-fan girk.


Sa kanyang Instagram account, nag-post ang asawa ni Hayden Kho ng short video clip kung saan makikita ang panggagaya ng doktora sa mga itsura ng Blackpink members sa kanilang recent music video.

In fairness, talagang kinarir ng cosmetic surgeon ang apat na iba’t ibang look ng apat na miyembro ng Blackpink na makikita sa music video ng bago nilang single na “Pink Venom.”

“How did I do #Blinks?? Pink Venom hit me hard too,” ang caption ni Vicki sa kanyang IG post at Blackpink transformation.

Umani naman ng positive comments ang K-pop paandar ni Vicki mula sa mga netizens, kabilang na riyan ang reaksyon ng sikat na model na si Yolanda Hadid.

Comment nito sa IG post ng doktora, “Looking great Vicky.”

Nito lamang nagdaang August ni-release ng Blackpink ang “Pink Venom”, na siyang nagsilbing comeback track ng grupo makalipas ang 22 buwan.

“It is a hip hop song, and in the intro there is a powerful beat and the ‘geomungo’ sound which is a traditional Korean instrument. It is minimal but catchy as well,” ang pahayag ni Jennie sa isang interview.

Sey naman ni Rosé, ibang-iba ang “Pink Venom” sa mga nauna nang hits ng Blackpink na medyo kontra sa identity ng grupo, “Dark and lovely. It becomes one and shows both charms. Powerful yet sweet.”

Ang Blackpink na nasa pangangalaga ng K-pop label na YG Entertainment, ay binubuo nina Jisoo, Jennie, Rosé at Lisa na nabuo at ipinakilala sa publiko noong 2016.

Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “Boombayah”, “Whistle,” “Playing with Fire,” “DDU DU DDU DU,” at “How You Like That.”

Habang sinusulat namin ito, may mahigit 264 million views na sa YouTube ang music video ng “Pink Venom”.
https://bandera.inquirer.net/281138/vicki-belo-hindi-kinukunsinti-ang-mga-adik-sa-retoke-umaming-biktima-rin-ng-pambu-bully
https://bandera.inquirer.net/322956/glam-up-transformation-ni-vicki-belo-patok-sa-netizens-love-it
https://bandera.inquirer.net/281945/alex-umaming-nagparetoke-ng-labi-gusto-ko-talaga-yung-patusok
https://bandera.inquirer.net/279623/solo-album-ni-rose-ng-blackpink-nagpapaalala-sa-kanya-ng-isang-bagay

Read more...