Aiko emosyonal sa 24th birthday ni Andre: In my heart and in my eyes you will always be my Baby Bubut…

Andre Yllana at Aiko Melendez

ISANG madamdaming message ang inialay ng award-winning Kapuso actress na si Aiko Melendez para sa kanyang anak na si Andre Yllana.

Pinusuan at umani ng naparaming likes at comments ang touching birthday greeting ni Aiko kay Andre na nag-celebrate ng kanyang 24th birthday kahapon, September 7.

Nag-post ang aktres sa kanyang official Facebook account ng 24 pictures nila ni Andre na kuha mula noong bata pa ang young actor hanggang sa magbinata na ito.

“I know by looking at you that God has blessed me in ways that years ago I never would have believed. 24 na my Baby Boy.

“You are an adult to the world and that is how it should be, but in my heart and in my eyes you will always be my baby bubut,” ang bahagi ng mensahe ni Aiko sa panganay na anak.


Patuloy pa niya, “Happy Birthday son. Your sister @jickainmarthena and your tito @cong_jaykhonghun love you so much!!! And mama will always be your number 1 fan.

“Always rooting for you. I know your time will come and you will shine the brightest for Jesus,” dagdag ng celebrity mom.

Nakita rin namin ang ilang litrato ng mag-ina kasama ang isa pang anak ni Aiko na si Marthena at ang kanyang boyfriend na si Jay Khonghun na kuha sa birthday celebration ni Andre kahapon.

Kamakailan, naging headline sa mga entertainment sites si Andre dahil sa mga naging pahayag niya tungkol sa amang si Jomari Yllana na napanood sa vlog ni Aiko.

Mensahe ng Viva Artists Agency talent kay Jomari, “Dad, kung napapanood mo ‘to, hindi ko pa nasasabi sa ’yo to pero minsan kasi may mga bagay na too late na.

“Siguro ‘yung thirst ko for a father dati, hindi na rin ganun. Kung dati, grabe ako maghabol kay dad, siguro nasanay na rin ako na parang wala siya,” sabi ng binata.

Inamin din niya kay Aiko ang naging struggle niya sa kanyang mental health dahil sa pagkakaroon ng broken family.

“Na-depress ako nang sobra-sobra. Kasi akala ko kaya ko kimkimin lahat. ‘Yun pala may hangganan ‘yung tao. Kahit na gaano ka pa kalakas, kapag sinapol ka talaga, wala durog ka talaga,” sabi ni Andre.

Pahabol pa niyang mensahe kay Jomari, “Kahit ano namang mangyari, I’ll always still be here for you through thick and thin. Kaso nga lang ‘yun like I said, may mga bagay na hindi na kasing init dati.

“Sana ‘yung mistake mo dati sa akin ‘wag mo nang ulitin sa mga kapatid ko dahil bata pa sila. So habang bata pa sila go for it. ‘Yun ang message ko sa iyo dad,” dagdag ng aktor.

https://bandera.inquirer.net/308585/kung-may-nambu-bully-sa-atin-siguro-inggit-lang-sila-o-may-problema-sila-sa-bahay
https://bandera.inquirer.net/293287/aiko-melendez-proud-na-proud-sa-anak-na-si-andre-yllana
https://bandera.inquirer.net/321523/andre-yllana-natutong-magsinungaling-para-lang-magkabalikan-sina-aiko-at-jomari-mag-ina-nagkaiyakan-sa-vlog
https://bandera.inquirer.net/312363/aiko-melendez-nilinaw-na-hindi-lumipat-ng-sinusuportahang-kandidato-may-paninindigan-po-ako

Read more...