IBINANDERA nina 2022 Mister International Philippines first runner-up Mark Avendaño at fourth runner-up Andre Cue na wala silang paki sa balat nila bago sila sumabak sa male pageant.
Ngunit ngayon, batid nilang hindi lang pambabae ang pag-aalaga sa kutis.
“Now I see the importance of it. You know, the essence of skincare is not only for women but for men actually. It changed my life. It changed my everyday routine and it’s been amazing,” sabi ni Avendaño sa Inquirer sa isang panayam sa The Icon Clinic sa San Juan City noong Set. 4, kung saan lumagda ng partnership ang national pageant sa homegrown skincare brand na Kemans.
Sinabi ni Ordillano, “I am an advocate of self care and self awareness. Obviously, the best investment that you can ever make is with yourself. So why not start with your skin?”
Ganito rin ang pananaw ni Cue na nagsabing, “It’s like an investment for when you grow old.”
Nagbigay naman si second runner-up Michael Ver Comaling ng pananaw bilang content creator at celebrity.
“The brands look for the face now. They can see that if we have healthy skin, we take care of ourselves because the skin is the first thing they see. So if they see it’s clean, they’d think he takes care of himself,” sinabi ng Southeast Asian Games gold medalist at dating “Pinoy Big Brother” housemate na sumasabak na rin ngayon sa pag-arte.
Bitbit din ng apat na lalaki ang tungkuling ipakita ang pinakamahusay sa pagiging Pilipino. Sasabak si Ordillano sa ika-14 edisyon ng Bangkok-based na Mister International pageant, na idaraos dito sa Pilipinas sa susunod na buwan.
May kani-kaniya na ring mga international pageant sina Avendaño, Comaling, at Cue, at si third runner-up Kitt Cortez.
Pormal nang ipakikilala ang mga runner-up ng 2022 Mister International Philippines pageant bilang mga kinatawan na rin ng Pilipinas sa iba’t ibang international competitions sa Novotel Manila Araneta City sa Quezon City sa Set. 8.