Chikang kinasuhan daw ni Chiz Escudero si Cristy Fermin ng cyberlibel ‘fake news’

Chikang idedemand ni Chiz Escudero si Cristy Fermin fake news

Chiz Escudero at Heart Evangelista

FAKE news ang ibinalita ng hosts na “The Baklitas” sa isang FM radio na naka-upload ngayon sa YouTube kung saan nabanggit nilang idinemanda raw ni Sen. Chiz Escudero si Nanay Cristy Fermin ng kasong cyberlibel.

Ayon pa sa host ay lumabas na ang subpoena na ipinadala ng korte para kay ‘Nay Cristy at natanggap na ito ng pormal ng “Showbiz Now Na” at “Cristy Ferminute” host.

Tinanong naman ng chubby host kung ano raw ang background at bakit umabot pa sa demandahan.

Ang kuwento ng co-host nito, “Kasi nagpaputok si Cristy Fermin na hiwalay na sila (Chiz at Heart Evangelista). Magkakaroon na ng hearing this September.”

Say ni chubby host, “Di ba si ‘Nay Cristy may mga kuwento na halos nasanay na siya sa mga ganyan?”

“Oo, pero ito kakaiba dahil ang senador mismo (at) hindi si Heart ang nag-file si Chiz Escudero na dahil nga ‘yung maling impormasyon na pinapakalat na hiwalayan nila.


“Alam mo naman si Heart mega dedma ‘yan to the highest level kaya lang siguro may mga times na below the belt mare kaya siguro umaksyon na si senator Chiz at ang sabi na nabalitaan ko na palalagpasin naman daw sana ni senator Chiz Escudero kung ano ‘yung mga patutsada o balita kasi nga naman ‘yung asawa niya part ng showbiz.

“Kaso ang gusto raw ni senator Chiz ay maturuan ng leksyon ang mga katulad ni Cristy Fermin na porke’t matatagal na raw ha sa industriya at hindi porket powerful pagdating sa showbiz ay hindi na kayo puwedeng kantiin,” mahabang sabi ng isa pang host.

Tinanong ni chubby host na baka suntok sa buwang mag-prosper ang kaso.

“Sa tingin ko naman ay hindi suntok sa buwan kasi may mga basehan, may mga ebidensya na nakalap and to think abogado rin si Chiz Escudero.

“So, sino ang maglalaban dito, si senator Chiz at si Atty Topacio (abogado ni ‘Nay Cristy), di ba?

“At pormal at in-acknowledge din naman ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin na natanggap na niya ang complaint letter at ito ngang September mare ang aantabayanan natin kung ano ang mangyayari raw sa kanilang first arraignment,” sabi pa ng host.

Sabay sabi ni chubby host na huwag na raw pag-usapan si Heart at saka love rin naman nila si ‘Nay Cristy.

Sumang-ayon din ang co-host nito at sana nga raw magkaayos at hindi naman mahirap kausap si Sen. Chiz at walang problemang hindi naayos sa maayos na usapan.

Tinanong namin si ‘Nay Cristy tungkol dito at sinabi niya na hindi nga totoo at fake news at higit sa lahat huwag ng patulan.

Halos lahat ng vlog ng “CFM” at “SNN” ay napanood namin at wala kaming napakinggan na kinumpirma ni ‘Nay Cristy na hiwalay na sina senator Chiz at Heart.

Iba kasi ‘yung pinag-usapan nila ng co-hosts niya tulad nina Romel Chika at Morly Alinio plus Wendell Alvarez dahil trending sa social media at nasusulat sa pahayagan.

Parati ring sinasabi ng mga host kapag may delikado silang mga balita ay sana marinig ang panig ng sinumang sangkot sa isyu o kaya bukas ang linya ng kanilang mga telepono.

Nakakapagtaka lang dahil sikat ang FM radio na ito at sana inaalam muna ang totoo bago nila ibalita considering kasamahan nila sa trabaho si ‘Nay Cristy Fermin.

https://bandera.inquirer.net/321054/heart-evangelista-tinanggal-ang-apelyido-ni-sen-chiz-sa-ig-name-may-pinagdaraanan-nga-ba
https://bandera.inquirer.net/321985/heart-chiz-may-pinagdaraanan-bilang-mag-asawa-totoo-nga-kayang-naghiwalay-na
https://bandera.inquirer.net/300501/heart-lagot-kay-chiz-saan-ka-na-naman-nag-shopping-ano-yan-ha

https://bandera.inquirer.net/303190/heart-talagang-naghanap-ng-lalaking-mas-matanda-sa-kanya-apekatado-sa-memoirs-of-geisha

Read more...