Neri Miranda binili ang magsasarang salon sa Tagaytay para hindi mawalan ng trabaho ang mga empleyado

Neri Miranda sinagip ang ilang empleyado ng isang salon sa Tagytay

Chito Miranda at Neri Miranda

IBANG klase talagang dumiskarte ang wais na misis ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda na si Neri Naig-Miranda.

Knows n’yo ba na ilang kababayan natin mula sa Tagaytay ang muntik nang mawalan ng trabaho sa isang salon na nakatakda na sanang magsara very soon.

Epekto pa rin kasi ito ng pandemya sa bansa kung saan marami pang mga negosyante ang hindi pa nakakabawi sa pagkalugi mula nang magka-lockdown sa buong bansa.

Kabilang na nga riyan ang isang salon na muntik na ring magsara pero nang dahil nga sa pagsagip dito ni Neri ay naisalba niya at natulungan ang mga staff na manatili sa kanilang mga trabaho.

Sa kanyang latest Instagram post, naibahagi ni Neri kung paano siya biglang nagkaroon ng sariling salon.


Kuwento ng aktres at negosyante, nagpunta at nagpagawa siya sa nasabing beauty parlor at dito nga naikuwento za kanya ng mga staff na baka raw magsara na ang pinapasukan nilang salon.

Sey ng celebrity mom sa caption ng kanyang IG post, “Yung bigla kang nagkaroon ng salon!

“Nagpapasalon lang ako last December at kinausap ako ng staff na mawawalan na raw sila ng trabaho kase magsasara na ang salon na ‘to.

“Baka kung pwede raw ako nang sumalo ng salon para di sila mawalan ng work,” aniya.
Sabi pa ni Neri, nakipagtawaran daw talaga siya sa may-ari ng salon hanggang sa nagkasundo sila sa presyong. At makalipas nga ang ilang buwan, nagbukas na ito sa bagong pangalan.

“Ayun, nag-haggle talaga ako. At nagkasundo sa deal na kaya ko lang ilabas. Kaya ayan may salon na ako!” pahayag ni Neri.

Dagdag pa ng misis ni Chito, sa isang mall lang muna sa Tagaytay ang branch ng kanyang salon, pero, “Nag iisip ako baka pwede sa Nuvali? Dasma?”

Bubuksan din daw niya ang bagong business sa pagpa-franchise, “Para sa mga WAIS na gustong magkaroon ng sariling negosyo.”

“Paramihin natin ang salon kung saan MURA ang MAGPAGANDA. Tara naaaaa!” dagdag pa niya.

Recently, super proud ba ibinandera ni Chito sa madlang pipol ang mga naipundar na negosyo at properties ng kanyang asawa kabilang na ang ilang restaurant at rest house at farm.

Sabi ni Chito, pinag-ipunan daw talaga ni Neri ang pagpapatayo ng apat na villas sa nabili nitong lupa para paupahan.

https://bandera.inquirer.net/308046/neri-minaliit-ng-ilang-netizens-nagtinda-rin-po-ako-ng-mais-pusit-at-bbq-sa-mines-view
https://bandera.inquirer.net/292228/annabelle-rama-binanatan-ang-isang-salon-owner-ginulo-mo-ang-buhay-ko

https://bandera.inquirer.net/308996/pokwang-beast-mode-sa-mga-anti-leni-hindi-ako-takot-mawalan-ng-followers-takot-akong-mawalan-ng-dangal
https://bandera.inquirer.net/308581/kit-thompson-balak-nang-pakasalan-si-ana-jalandoni-mahal-na-mahal-niya-yung-girl-pero

Read more...