Marjorie naglabas ng ‘resibo’ para patunayang magdyowa pa rin sina Gerald at Julia; balitang naghiwalay na ‘fake news’

Gerald Anderson at Julia Barretto going strong ang relasyon

Gerald Anderson, Julia Barretto, Marjorie Barretto at iba pang mga anak

PINATUNAYAN ni Marjorie Barretto na maayos na maayos ang relasyon ng kanyang anak na si Julia Barretto sa boyfriend nitong si Gerald Anderson.

Yes, sa mga Marites na nagtatanong, going strong at solid na solid pa rin ang relationship nina Gerald at Julia taliwas sa naglalabasang chika na “on the rocks” na ang kanilang pagsasama.

Naglabas ng resibo o ebidensiya si Marjorie sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga litrato sa social media na kuha sa isang event.

Mkikita nga rito ang pakikipag-bonding ni Gerald kay Julia at sa buong pamilya ng dalaga. Ani Marjorie sa caption ng kanyang Instagram post, “My real friends are my children. Best people ever!”

Bukod dito, may nakita rin kaming litrato nina Julia at Gerald na tila nakipag-double date sa mga kaibigan nilang sina Joe at Bianca Vargas na kuha sa isang Japanese restaurant.


Nitong nakaraang buwan, natsismis na nagkakalabuan na raw ang celebrity couple kasabay ng paglabas ng chika na nabuntis daw ni Gerald ang leading lady niya sa pelikulang “Unravel” na si Kylie Padilla.

Mariin na itong pinabulaanan ni Kylie at sinabing ginamit pa raw ang mga behind-the-scene photos nila ng aktor para palabasin na meron silang relasyon.

“Wala pong katotohanan sa mga lumalabas (sabay tawa). Magkaibigan lang po kami ni Gerald. Super professional lang po ang relationship namin. Nothing else!

“Nakakainis, ang dami! It’s so out of this world. Naba-bother lang ako na baka may maniwala, e,” sabi pa ng Kapuso star.

https://bandera.inquirer.net/284432/banta-ni-marjorie-sa-mga-naninira-kay-julia-buhay-na-buhay-pa-ang-nanay-niya
https://bandera.inquirer.net/286282/julia-tinulungan-si-marjorie-para-makapagtapos-ang-kapatid-sa-magandang-school

https://bandera.inquirer.net/286417/alwyn-gagawin-ang-lahat-para-magkabalikan-sila-ni-jennica-kahit-ikamatay-ko-pa

https://bandera.inquirer.net/316992/dennis-may-open-letter-din-para-kay-leon-hiling-na-makasama-muli-ang-anak-i-regret-all-the-times-i-hid-my-feelings-from-you

Read more...